Apr 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mga programa ng Siyete, finalists sa ilang internat'l awards

Mga programa ng Siyete, finalists sa ilang internat'l awards

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Siguro!

Muling naghatid ng karangalan sa bansa ang mga programa ng GMA News and Public Affairs dahil sa pagpasok ng mga ito sa finals ng tatlong bigating international awards.

Sa nalalapit na Japan Prize, dalawang I-Witness entries ang finalist -- ang ‘Buto't Balat' ni Kara David, isang dokumentaryo ukol sa malnutrisyon at ‘Abakada ni Inay' ni Rhea Santos, ukol sa volunteer teachers.

Sa parating na Barcelona International Television Festival, finalist bilang Best Documentary ang ‘Magtatahong' episode ng Emergency.

Sa Asian Television Awards, humataw ang mga programa ng GMA News and Public Affairs.

Finalist ang 24 Oras bilang Best News Program; ang I-Witness ‘Missing in Aceh' at Reporter's Notebook ay parehong finalist sa Best Current Affairs Program category.

Ang Pinoy Abroad ay finalist sa Asian TV Awards bilang Best Infotainment Program. Pumasok naman ang I-Witness ‘Buto't Balat' bilang finalist sa Best Social Awareness category.

Malalaman ang resulta ng mga kompetisyong ito ngayong Nobyembre at Disyembre. ***

Isang linggo ang birthday party ni Boy Abunda sa Homeboy ng ABS-CBN 2.

Uumpisahan ang selebrasyon ngayong Lunes sa ‘Mga Favorite Natin, Sha' episode kasama si Sharon Cuneta.

Bukas ang ‘Oh Boy, It's a Party' episode kasama sina Mariel Rodriguez, Drew Arellano Sandara Park, Joseph Bitangcol at Janus del Prado.

Sa Miyerkules, ‘It's All About Men' ang eksena kung saan kasama ni Boy sina Amy Perez, Frenchie Dy, Wilma Doesnt, Melanie Marquez, ang Cosmo Boy Models na sina Wille Devaughn at Iago Raterta, at ang basketball hotshots na sina LA Tenorio at Arwind Santos.

Sa Huwebes ang ‘Isang Ina, Isang Anak' episode kung saan makikilala natin ang ina na parating ipinagmamalaki ni Boy.

Sa Biyernes ang ‘Isa Kang Tunay na Kaibigan' episode kung saan magsasalaysay ng iba't ibang levels ng pagkakaibigan na bibigyang kulay ng K and the Boxers, The CompanY, pati na ang mga malalapit kay Boy na pinangungunahan ni Kris Aquino. ***

Ibabahagi ng beauty experts na sina Ricky Reyes, Dra. Pie Calayan at Renee Salud ang latest sa hairstyles, skin care, at fashion sa ‘Wow, ang Ganda!' episode ng SiS ngayong umaga sa GMA 7.

Sasamahan nina Evangeline Pascual at Sexbomb Aira si Ricky Reyes sa kanyang pagtalakay sa latest na gupit at estilo para sa buhok.

Ibabahagi ni Dra. Pie Calayan sa tulong nina Snooky ‘Kate' Serna at Valerie Concepcion ang bagong technology sa cosmetic surgery at skin care.

Mag-a-advise si Renee Salud sa pagiging fashionable sa pamamagitan ng pagsusuot ng tamang mga kulay at style, na imomodelo ni Megan Young. ***

Panauhin sina Cristine Reyes at Paolo Contis sa Halloween presentation ng Lagot Ka… Isusumbong Kita ngayong gabi sa GMA 7.

Kinunan sa Baguio ang episode na ito kung saan ‘magmumulto' si Paolo. ***

It's Just A Fantasy ang grand Halloween fantasy ball ng Spirits Coyote Bar sa Biyernes nang 8:00 PM sa J. Bocobo St. cor. J. Nakpil St. , Malate, Manila.

May mga premyo (cash and in kind) para sa Most Original Costume, Best Mythical Costume, Best in Costume at Star of the Night.

Hindi bababa sa P30,000 ang cash prizes na ipamimigay.

Kabilang sa sponsors ng It's Just A Fantasy ang Biolink Pharma's Nutrafit & Exofat, Royale Homes Marketing Inc. , Donnie Delima, Mr. Joy Fong, Paps Production, Metrowalk Spa, Full Circle, Fuentes Publicity, Quad Expo Home Appliances by Mr. Danny Uy, at Smint. ***

Gaganapin ang Nyoy Volante Rocks Baga sa Biyernes nang 9:00 PM sa Bagaberde Grill & Bar sa Roxas Blvd. cor. Gil Puyat Ave. (Buendia), across World Trade Center

Guests dito ni Nyoy sina Kitchie Nadal at Barbie Almalbis.

Kasama rin sa show ang Les Belles Filipinas na binubuo nina Liezel Fernandez, Rosalyn Mangadlao, Shirley Valenzuela, Connie Sumalinog, Jasmin Maglasang, Michelle Beltran, Avegail Taeza, Elaine Ocampo at Rita Madrid.

Para sa mga detalye, makipag-alam sa Baga Berde (tel. # 671-2316), 7003 Dynamix (cell# 0920-951-5567), Ticketworld (tel. # 891-5610) o Ticketnet (tel. # 911-5555).

Source: Abante Tonite