Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mga totoo at 'di true sa mga showbiz tsika

Author: Mercy Lejarde

RUMOR: Wala nang kilig factor at hindi ikinatuwa ni Sharon ang pag-apir ni Gabby Concepcion thru VTR para magbigay ng birthday message sa dati niyang Esmi last Friday night sa Songs Of My Heart Mega Birthday Concert 2009 na gina-nap sa Araneta Coli-seum.

FACT: Nang umapir si Gabby sa big screen thru VTR at magbigay ng kanyang birthday at New Year's message kay Sha-ron ay halos pumutok ang Araneta coliseum sa lakas ng tilian, hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob ng nasabing venue. Si Sharon naman ay nakangiting pinagmamasdan ang VTR ni Gabby at nag-wish pa nga ito ng maganda sa dating esposo pati na sa wife and kid ng aktor. Inamin din ni KC Concepcion sa presscon ng When I Met You nila ni Richard Gu-tierrez na Valentine offering ng GMA-7 at Regal Films na maging siya ay nagkaroon ng kilig factor nang makita niya sa VTR ang kanyang biological Dad greeting her Mom.

RUMOR: Ang tsika ng mga syobis baklitas, ang marunong lang daw mag-share ng kanilang bles-sings hindi lang one round, two round kundi 4th or 5th round pa sa mga kaakibat nila sa kanilang showbiz career (ang syobis press) ay sina Dingdong Dantes, Richard Gu-tierrez, Marian Rivera, Dennis Trillo at ang ma-nager nilang si Popoy Ca-ratativo.

FACT: Hindi lang po ang mga nabanggit na celebs ang marunong mag-share ng kanilang blessings. Ka-join na sa listahan ng mga nasabing generous celebs si OMB Chairman Edu Manzano na nagbigay ng thanksgiving party or sa mga kaakibat niya sa syo-bis press nito lang Lunes ng tanghali.

Sabi ni Donya Lolit Solis ay umabot more or less sa halagang P300 to P500 hundred thousand ang ipinarapol ni Tserman Edu up to three rounds. Sinex kaya ang susunod na marunong mag-share ng blessings sa mga kaakibat nila sa entertainment media?

Abangan porke me-ron pang Chinese New Year at Valentines Day, tsuk!

RUMOR: P4 milyon daw ang napanalunan nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Kapamilya Deal Or No Deal nito lang Lunes ng gabi before TV Patrol World">TV Patrol World ng ABS-CBN at dinala raw agad ni Juday ang milyones na kanilang napanalunan sa Hollywood, U. S. A para idagdag sa gagastusin ni-la para makapasok ang pelikulang Ploning sa Oscars Awards Night.

FACT: Hindi po P4 milyon kundi P1 milyon lang ang napanalunan ng Juday at Ryan sa KDOND. Pero oks na rin. One milyon peso is one milyon peso, noh! At dehins din true na agad dinala ni Juday ang napanalunan sa Hollywood para gastu-sin sa Ploning just to make sure na makakapasok itech sa forthcoming Oscars awarding ceremony. One month pa raw bago makuha nina Juday at Ryan ang P1milyon from KDOND na airing weeknights sa primetime bida ng Dos.

RUMOR: Hindi raw kinaya ng Pinoy Fear Factor participantes LJ Mo-reno na lumafang ng buhay na 20 piraso of ipis at ni participantes RJ of Ton-do na lumafang naman ng dalawang daga.

FACT: Kinaya nila, noh. Nguya-to-death ng dalawampung ipis si LJ Moreno at si RJ naman ay ma-luha-luhang nilafang ang dalawang daga alang-alang sa kanyang dalawang anak na ayaw nitong maging mahirap pa sa daga, tsuk!

Source: Taliba