|
|
| Michael V., gaya-gaya sa show ng iba!![]() Author: Jun Nardo NAKATAKDANG kabugin at talbugan ni Michael V. sa bago niyang show na Bitoy's SHOwwwTIME ang mga katulad na programang nagpapakita ng kakaibang talento ng Pinoy. Buong mundo kasi ang search sa magagaling na Pinoy through Internet ng show sa apat na segments na Talbugan, Videokariran, Facemuk at Gaya Mo 'Yun? Eh, ang mga intrigang nanggagaya sa ibang shows, handa ba nilang harapin ito? “Hindi lang kami sa Pilipinas naghanap kundi sa buong mundo. Bukod doon, 'yung premyo, medyo mahirap kabugin ang ipamimigay namin. Eh, saan ka pa pupunta kundi dito na? “Sa intrigang hindi kami nauna, merong pagkakaiba sa ginagawa nila at gagawin namin ngayon. Ang bottom-line palagi, ano ba ang mas maganda at mas mainam na presentasyon ng ganitong kategorya ng shows? “Hindi rin puwedeng sumali 'yung nanalo at natalo sa ganitong klase ng shows. Naipakita na kasi nila, eh. So ang hinahanap natin dito ay bago at hindi pa nakikita sa individuals. Nabigyan na sila ng break sa iba kaya 'yung iba naman ang bibigyan natin ng breaks. Para pantay-pantay lahat!” paliwanag ni Michael. Eh, ano ang lamang ng show niya sa ibang katulad na shows? “International ang scope at bago! Ha! Ha! Ha!” Source: Abante |