|
|
| Michael V. may bagong showAuthor: Rowena Agilada MAY bagong show si Michael V. kapalit ng "Bitoy's Funniest Videos." Starting tomorrow and every Saturday, mapapanood ang "Bitoy's SHOwww TIME!" pagkatapos ng "Celebrity Duets" sa GMA-7. Kasama niya rito si Mang Enriquez. Ayon kay Michael V., kahit mataas ang rating ng BFV at nagtagal ito sa ere nang maraming taon, kailangan nila itong palitan para makasabay sila sa takbo ng panahon. Ayaw nilang umabot pa ang BFV sa sawa factor. May apat na segments ang BST, "Talbugan" "Videokariran," "Facemuk" at "Gaya Mo 'Yun?" Ang "Talbugan" ay live showdown ng mga contestant na may kakaibang talents. Ang papala-ring manalo for four consecutive weeks ay makakamit ang total prize na R300,000. "Mga bagong talent ang hinahanap namin na may kakaibang ipapakita. Hindi na pwedeng mag-audition 'yung mga sumali na sa ibang talent show," ani Michael. Sa "Videokariran," pwedeng mag-join ang mga Pinoy abroad na willing mag-upload ng kakaiba nilang performance via BST website, www.bitoystv.com. Tatlong interesting videos ang pipiliin na pagkakalooban ng special prizes. Pwede ring mag-upload ng funny, hilarious videos para sa "Facemuk." Canon video camera ang mapapanalunan ng mapipi-ling Best Facemuk. "Pang-international ang show namin," proudly sey ni Michael. "'Yan ang kaibahan namin sa ibang talent show." May internet search ang BST kung saan hahanapin ang susunod na INTERNETional star. Bongga, di ba naman? Sa "Gaya Mo 'Yun?" naghahanap naman ang BST ng mga Pinoy na mahilig kumanta at sumayaw. Open ito sa group of five or seven who can perform their own interpretation of today's hottest song or dance craze. Ang winning group ay mananalo ng cash prize. Join na! May kapalit na Wala pang official announcement ang GMA-7 kung sino ang ipapalit kay Sunshine Dizon sa "Tinik sa Dibdib." Pero may tsikang si Nadine Samonte ito at nakaiskedyul na ang taping sa Monday (Oct. 19). Nasa Europe pa si Nadine at nagbabakasyon. Anytime soon, babalik na raw ang aktres para mag-taping. Gagawan na lang daw ng paraan ng mga writer ng TSD kung paano ipapasok ang kanyang character bilang kapalit ni Sunshine. Ayon sa isang insider, nirespeto na lang ng GMA-7 ang kagustuhan ni Sunshine na magbakasyon muna sa States. Anytime raw na gusto niyang bumalik at magtrabaho muli ay welcome pa rin siya sa Kapuso Network. Tsika naman ng isa pang insider, nagre-reklamo raw si Sunshine sa taping hours ng TSD. Hindi na raw niya kaya ang ngaragang taping at sana raw ay may cut-off time para hindi sila napupuyat. "Naku, ngayon na lang siya nagreklamo. Eh, sanay naman siya sa puyatan dahil dati na siyang gumagawa ng teleserye. Alam naman niya ang sistema sa taping. Nag-loloka-lokahan lang talaga si Sunshine. Sayang, magaling pa naman siyang artista," anang insider. Isa pang pinoproblema ng production staff at writers ng TSD ay si Ara Mina. Kakandidato itong councilor sa 2nd (or 3rd ba?) district ng QC sa 2010 elections. Kapag nag-umpisa na ang campaign period ay hindi na pwedeng lumabas sa isang regular TV show ang mga artistang papasok sa pulitika. "Baka maging buto na kami sa dibdib," joke ng isang writer. And more Mamaya sa "Ikaw Sana," makukulong si Eliza dahil sa pagpatay niya kay Carlo. Sa kalasingan ni Michael, mahahalikan niya si Sofia. Magagalit si Dave dahil ginamit lang siya ni Sofia. Shocked si Eliza sa pag-amin ni Sofia na trinaydor siya nito... Tampok sa "5Max Movies" sa TV 5 at 9 p.m. ang thriller na "Closer and Closer." Bida si Kim Delaney. Bukas at sa Linggo ang "Meet Joe Black" ni Brad Pitt. Source: Tempo |