|
|
| Michael, flattered sa paghanga ni JaninaAuthor: Nitz Miralles Nakaayos Yaya Rosalinda si Michael V sa presscon ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie, na mala-birthday party ng alaga niyang si Angelina (Ogie Alcasid) ang theme. Pareho sila ng birthday wish ni Angelina, ang kumita ang kanilang pelikula na showing sa September 23, at in-assure ni Michael ang manonood na kaiba ang ginawa nila sa napapanood sa kanila sa Bubble Gang at Hole in the Wall. In character sa pagiging yaya si Michael dahil ipinagtanggol ang alaga niya. Mabait daw ito kahit bratty, makulit at lagi siyang ipinapahamak. May ginawa lang si Angelina na 'di nakaya ni Yaya at umalis ito sa bahay ng alaga, pero babalik din siya. Sa pelikula, mas makikilala ang katauhan ni Yaya Rosalinda, ang kanyang pinanggalingang parte ng Bisaya at kung bakit sa press kit ay iba ang kanyang pangalan. Big punchline raw ang name niya, kaya abangan. Muling ipakikita ni Michael ang galing niyang comedian sa nabanggit na pelikula. Ano ang masasabi niya sa naniniwalang siya ang pinakamagaling na comedian ngayon? "I'm terribly flattered, pero 'di ko ini-entertain. Nagta-trabaho lang ako at para 'di ka mapag-iwanan, kailangang innovative ka. Salamat sa naniniwalang magaling ako. " Samantala, 'di makapaniwala si Michael na siya ang choice ni Janina San Miguel na maging leading man kung magkakaroon ng launching project. * * * Sabay na dumating sa presscon ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie ang ex-couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana na gumaganap na parents ni Angelina (Ogie) sa pelikulang dinirek ni Mike Tuviera at co-produced ng GMA Films at APT Entertainment. Dahil maganda ang relasyon nila ng ex-wife, tinanong si Jomari kung may balikang mangyayari sa kanila ni Aiko? "Parang walang possibility dahil ang alam ko, may BF siya at ako naman, hindi naghahanap ng lovelife. Saka, parang nag-evolve na rin ang relasyon namin na maging parents sa anak naming si Andrei at maging magkaibigan na lang, We're good friends," sagot nito. Sa mga naniniwala namang over-exposed na sina Yaya at Angelina dahil dalawa ang regular TV shows at baka 'di na excited ang tao na panoorin sila sa movie, si Jomari ay hindi naniniwala sa overexposure. Limited daw ang ginagawa sa TV, 'di gaya sa pelikula na mahaba at maganda ang story. Kasali rin pala si Jomari sa Celebrity Duets 3 at sa Saturday, si Julia Clarete ang makaka-duet niya sa Your Song ni Elton John. Papasok din siya sa isang primetime soap sa GMA-7 na bawal pang sabihin (parang alam na namin), abangan na lang natin. * * * Gaganapin sa NBC Tent sa September 10 ang yearly Cosmo Bachelor Bash, kung saan rarampa ang 69 Bachelors at 10 celebrity centerfolds na pinangungunahan ni Gerald Anderson. Ang iba pang ka-join sa list ay sina Joem Bascon, Phil Younghusband, JC Tiuseco, Sid Lucero, Akihiro Sato, Ejay Falcon, Xian Lim, Daniel Matsunaga at Aljur Abrenica. Kabilang sa manonood sa Cosmo Bash si Carla Abellana, na cover ng September issue at hindi lang ang na-single out niyang si Aljur ang iti-cheer niya, kundi lahat ng rarampa. Sina Joem, Sid, JC, Daniel ang pinaka-daring sa sampu at pinaka-tame si Aljur, na half body lang ang ipinakita. * * * Hindi kaya magkatampuhan ang All My Life stars na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa inamin ng actor na first time niyang makita si Carla Abellana sa workshop sa GMA-7 ay attracted na agad at nagka-crush siya? Natuwa pa si Aljur nang piliin siya ng aktres na pinaka-sexy sa grupo ng 10 Celebrity Cosmo Men. Anyway, sa All My Life, ibinalita ni Perry (Paulo Avelino) sa amang si Bert (Lloyd Samartino) ang nangyari kay Romina (Kris) at itinawag nito kay Romano (Zoren Legaspi) na nasa ospital ang anak. Sinabi ng doctor sa parents ng dalaga na puwede nitong ikamatay 'pag naulit ang seizure. Ayaw padalawin si Jules (Aljur) kay Romina at sinumbatan pa siya ni Sally (Manilyn Reynes). Dahil sa nangyari, nagdesisyon si Jules na sumama sa gig ng banda sa cruise ship para makaipon at mabawi si Romina. Source: People's Tonight |