|
|
| Michael, gustong mapasama sa 'Zorro'Author: Nitz Miralles Hindi nagpaapekto si Richard Gutierrez sa isyung nag-away sila ni Michael Flores noong pareho silang pauwi mula sa birthday party ni Direk Mark Reyes sa Oceana Resto noong Sabado ng gabi. Ipinaubaya nito sa inang si Annabelle Rama ang gagawing hakbang sa epekto sa kanya ng balita, basta siya'y nasa Bagac, Bataan, at tuloy ang taping ng Zorro dahil paalis siya for New Jersey sa April 2 para mag-guest sa Eat Bulaga sa April 4. Walang dapat ipaliwanag si Richard, kaya 'di nagpa-interview. Si Michael Flores ang nagpa-interview last Sunday afternoon para itangging nagkabanggaan sila ni Richard dahil siniraan niya ang Zorro. Malabo raw niyang gawin 'yon dahil ang kaibigang si Direk Mark ang director nito. Mabait din daw si Richard, na nakasama niya sa Kamandag at gusto nga niyang mapasama sa cast ng Zorro. Sinabi ni Michael sa interview na 'di sila nagkasagutan at nagtitigan ni Richard. Nagbatian pa raw sila nang magkita. Hindi rin daw totoong inawat siya ni Joel Torre at si Richard nama'y inawat ni Leo Martinez. Nahihiya si Michael sa mga nadamay sa isyung wala namang katotohanan. * * * Balitang Richard Gutierrez pa rin, in-announce ni Raymond Gutierrez na nag-shoot ng teaser ng bago niyang pelikula ang actor kung saan makakasama niya ang isang big star. Wala nang ibang binanggit na detalye si Raymond, pero may nag-confirm sa amin na Ouija 2 ang bagong pelikula ng actor sa GMA Films. Naikuwento na ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar na kukunin niya si Richard para isama sa cast ng Ouija 2 at siya lang ang male lead. Si Judy Ann Santos ang big star na sinasabing makakasama niya at join pa rin sa cast ng last horror movie pansamantala ni Direk Topel Lee sina Iza Calzado, Rhian Ramos at Jolina Magdangal. Sa Holy Week daw ipalalabas ang teaser, ibig kayang sabihin, mapapaaga ang playdate nito at hindi na Halloween presentation ng GMA Films? Sabagay, ayaw din naman ni Annette na tapatan ang Tarot, pang-Halloween ng Regal, kung saan bida sina Marian Rivera at Dennis Trillo. * * * Mas exciting ang 101 episode ng Showbiz Central than last week dahil for one thing, kasama na nina Pia Guanio, Mo Twister at John Lapus si Rufa Mae Quinto. Aliw, dahil hindi nagtitinginan sina Rufa Mae at Mo Twister at tila walang balak ang sexy comedienne na batiin ang kinaiinisang co-host. Hanggang natapos ang show, 'di nito kinibo si Mo. May interview kay Carla Abellana habang nagwu-workshop under Direk Joel Lamangan para sa Rosalinda. Malaking pressure sa kanya ang project dahil first lead role niya at wish nitong mag-hit ito gaya sa Marimar at Rosalinda. Hindi pa nito alam kung sino ang makakapareha bilang si Fernando Jose, basta babagay sa role. Gandang-ganda sa kanya ang viewers at sana raw, mapasikat ng GMA-7 gaya ni Marian. Si Ara Mina ang sumalang sa Digital Don't Lie to Me at ayaw pa ring pangalanan ang boyfriend. Sa tanong kung ang BF na ang pakakasalan? Sabi ni Ara, happy siya sa nobyo at ito lang ang ipinakilala niya sa ina na walang negative comment. Close raw siya sa family nito, at ipinakilala na siya sa mga kaibigan ng BF. In-unveil naman ang bagong billboard ni Dingdong Dantes for Bench Body, na sabi ni Marian, pinaghandaan nang husto ng actor. Mas gusto niya ang billboard na ito kesa sa una. Curious ang viewers ng Showbiz Central na makilala ang sexy actor na nagpapa-booking sa kawalan ng project. Aalamin namin ang identity nito, maghintay lang kayo! * * * Nagti-taping na uli si Jennylyn Mercado ng Paano Ba Ang Mangarap?, pero bawal pa siyang magkikilos at ingat na ingat ang actress dahil tinahi uli. Binilinan siya ni Direk Joel at ng staff na ipaalam kung may masakit sa katawan niya para magawan agad ng paraan. Dahil sa kondisyon ni Jennylyn, hindi na itinuloy ang eksenang sampalan, sabunutan at tulakan. Hindi rin puwede sa physical scene ang co-star nitong si Chynna Ortaleza, na may foot injury habang nagsasayaw sa SOP. So, pinalabas na lang na nagsasagutan sila. Kailangang magpagaling si Jennylyn, hindi lang para sa taping ng soap nila ni Mark Herras, kundi para paghandaan ang two-night birthday concert niya sa Music Museum. Magiging busy din siya sa pag-aasikaso sa launching ng kanyang coffeetable book. Source: People's Tonight |