Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Michael, may trabaho na sa Tate

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'n Spicy

PAMILYA ang kasama ni Jericho Rosales sa darating na Kapasku-han dahil first Christmas niya ito (after three years) na hindi kasama ang ex-girlfriend na si Heart Evangelista.

Dati-rati raw kasi, si Heart ang kasama niya tuwing Pasko at nag-a-out of town sila.

This time, ani Echo, at least ay mabibigyan niya ng time ang family niya na na-miss din siya sa ganitong okasyon.

Kung naging malungkot ang 2008 ni Echo because of the breakup, marami rin namang magandang nangyari sa kanya, tulad ng pagbangong muli ng kanyang career.

As we all know, ang katatapos lang na teleserye niyang Kahit Isang Saglit with Carmen Soo ay umani ng katakut-takot na papuri mula sa mga manonood.

Bukod dito, malapit na ring ma-kumpleto ang kanyang ipinatatayong dream house. Matatandaang sila pa ni Heart nang umpisahan niyang itayo ang bahay and sadly, nag-split na sila bago pa man ito tuluyang matapos.

Halos patapos na raw ang bahay and in fact, unti-unti na rin niyang kinukumpleto ang furnishings nito. 'Yun nga lang, ayaw sabihin ni Echo kung ilang milyon na ang kanyang nailalabas sa kanyang dream house.

Pagdating sa love, pa-date-date na lang daw muna siya at ayaw niya muna ulit pumasok sa isang relationship.

At least daw ngayon, mas may time siya para sa kanyang anak na si Santino, now seven years old.

Kahit maingay na nagkakamabutihan sila ni Carmen Soo, nakatambal niya sa KIS, ani Echo, good friends lang sila ng Malaysian actress sa ngayon.

By the way, ang susunod na aabangan kay Echo ay ang teleserye nila ni Kristine Hermosa. Heard na nagkaroon na ito ng story conference at malapit na ring magsimulang mag-taping.

Magiging very visible rin siya ngayong Kapaskuhan dahil may filmfest movie siya, ang Baler, with Anne Curtis under Viva Films.

Tulad ni Carmen, nali-link din si Echo sa leading lady niyang si Anne, pero say ng aktor, friends lang din sila.

"Friends-friends lang muna," he said.

* * *

BAGAY kay Valerie Concepcion ang role niya sa One Night Only, isang kikay na hot na hot.

Of course, hindi naman namin sinasabing ganito siya in real life, kundi 'yung pagka-bubbly lang niya ang similarity.

Ang ikinatutuwa ni Val is the fact na nakasama niyang muli ang Kapuso stars na sina Katrina Halili, Jennylyn Mercado, Diana Zubiri at Paolo Contis.

'Yun nga lang, hindi siya nagkaroon ng chance na makaeksena ang mga ito dahil ang kapareha niya ay si Jon Avila.

Pero sa presscon at promo, nagkaka-sama sila at say nga ni Val, na-miss din niya ang mga dating kasamahan sa GMA-7, lalo na si Katrina.

Super happy din ang aktres sa pagkakapanalo niya sa katatapos lang na PMPC Star Awards bilang Best Female Variety Show Host para sa noontime show na Wowowee.

Pangalawang award na ito ni Val sa nasabing award-giving body. Noong 2003, nanalo siya bilang Best New Female TV Personality.

Second filmfest movie naman niya ang One Night Only, na magkakaroon ng premiere night sa Dec. 22 mula sa OctoArts Films.

Kasama rin sa movie sina Alessandra de Rossi, Joross Gamboa at Ricky Davao mula sa direksyon ni Joey Reyes.

* * *

INAMIN ni Michael de Mesa sa presscon ng Baler na pupunta na siya sa USA para subukan ang buhay doon at pansa-mantalang lisanin ang showbiz. Aalis siya sa darating na Enero 2009 at may trabaho nang naghihintay sa aktor pagdating doon.

Ganunpaman, Michael expressed his happiness sa magandang performance na ipinakikita ng kanyang mga anak na sina Geoff at Ryan Eigenmann sa showbiz.

Proud na proud daw siya sa kanyang mga anak, lalo na kay Ryan, na nagmana yata sa kanya sa kahusayan sa pag-arte.

Source: People's Tonight