Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Michael-Ogie, tagumpay!

Author: Jun Nardo

NAGPAMISA si Michael V nu'ng Miyerkules nang umaga sa Christ The King Church upang magpasalamat at humiling na kumita sa takilya ang Yaya & Angelina The Spoiled Brat Movie nila ni Ogie Alcasid, na nagbukas din nu'ng araw na 'yon. Kasama niya sa misa sina Ogie, APT Entertainment boss na si Mr. Tony Tuviera, Malou Choa-Fagar, Josie Tolentino at ilan pang kasama sa production.

Naantig nga ang damdamin ni Bitoy sa mga pahayag ng pari, nang sabihin nito na nakita niya ang closeness nila ni Ogie nu'ng namatay ang kaibigan nilang si Francis Magalona.

At lalo pang naluha si “Yaya” nang sabihin ng pari ang salitang, “He who thinks, thanks!”

Anyway, nagbunga naman ang mga panalangin nina Michael at Ogie dahil tumipak sa takilya ang Yaya & Angelina, kahit na nga umulan nu'ng bandang gabi. Certified box office hit ito kahit na nga sumunod ito sa comedy hit na Kimmy Dora. Sabi nga, lalo pang lalaki ang kita nito sa mga darating pang araw, dahil masaya ang movie at pambata talaga.

Of course, hindi lang sina Bitoy at Ogie ang inulan ng grasya. Maging ang APT producer ay ganoon din, dahil nga ang prinodyus nitong Ded Na Si Lolo ang entry ng bansa sa 82nd Oscar Awards next year.

Kaya naman lumipad agad patungong Tate ang representative ng APT Entertainment upang makipag-usap sa committee sa kategoryang best foreign language film, at malagyan na rin ng English subtitles ang Roderick Paulate starrer.

Congrats kina Ogie, Michael, direk Mike Tuviera, GMA Films at APT Entertainment at sa lahat ng naging bahagi ng Yaya & Angelina.

Source: Abante