Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Michelle Madrigal at Pauleen Luna, nag-isnaban!

Michelle Madrigal at Pauleen Luna, nag-isnaban!

Author: Nitz Miralles

Kung nalungkot ang regular viewers na walang Enteng Kabisote sa Metro Manila Film Festival this year, marami naman ang natuwa sa reunion nina Tito, Vic & Joey, dahil ang tatlo ang bida sa Escaleras and Ungasis (20 years After) ng OctoArts Films at M-Zet Productions.

Ngayon lang uli magsasama-sama sa pelikula ang tatlo at bubuhayin ang characters nila sa Iskul Bukol.

Written and directed by Tony Reyes ang pelikula na magpapakita ng bagong pakikipagsapalaran nina Tito at Joey Escalera at Vic Ungasis.

Gusto palang malaman ng mga nakabasa ng script kung sino ang gaganap sa role ni Sharon Ungasis? Maggi-guest kaya si Sharon Cuneta sa reunion movie ng tatlo?

* * *

Nakahanap na kaya ng perfect venue ang GMA-7 para sa presscon ng Codename: Asero ni Richard Gutierrez next week?

Action-series ang bagong show ng actor at kailangang bumagay ang venue at theme ng presscon sa show.

Anyway, i-a-unveil ang billboard ni Richard for Codename: Asero sa Saturday at iko-cover nang live ng Startalk. Simula lang ito sa sunud-sunod na promo ng actor, bago umalis for Greece on July 14.

Sa July 8, may live chat sila ni Heart Evangelista para makausap ng kanilang fans at maggi-guest din ang cast sa Sis at Walang Tulugan. Sa SOP sa July 13 ang grand launching ng series at maggi-guest din sila sa Showbiz Central at All- Star K! at susunod ang primer.

Wala man rito sa premiere ng series sa July 14 at sa two weeks na itatakbo ng series, tiyak na makikibalita si Richard sa magiging rating at feedback. Sa ginawa nitong paghahanda, hindi siya mapapahiya sa fans, dahil marami siyang bagong ipakikita.

Isa na rito ang combat aikido na ang training ay under Master Monching Gavileño. Magpapamalas din siya ng kaalaman sa kickboxing, Muay Thai at arnis. Regular din ang training nito ng boxing at weights, at brown belter pa sa karate, kaya nasa kondisyon para gawin ang action scenes at gumawa ng stunts sa Codename: Asero.

* * *

Nag-theater tour si Annabelle Rama kahapon, opening ng My Monster Mom, para mag-promote ng comeback movie at magpasalamat sa mga unang nanood.

Hindi na-disappoint ang moviegoers, dahil puno ng katatawanan ang pelikula mula simula hanggang katapusan at lahat ay may moment na magpatawa.

Bago mag-theater tour, nag-guest muna sina Annabelle, Michelle Madrigal at JC de Vera sa On the Spot ng Eat Bulaga at in-on the spot ni Annabelle sina Pauleen Luna, Michelle at JC na first time nagkasama-sama sa frame.

Parehong naging ex ni JC sina Pauleen at Michelle, kaya kahit tapos na ang relasyon nila sa actor, may tension pa rin sa kanilang pagitan.

Hindi nagpansinan backstage sina Pauleen at Michelle at si JC lang ang kinausap ni Pauleen.

Sabi tuloy ng mga nakasaksi, parang hindi pa naka-move on ang dalawang girls sa pagtatapos ng relasyon nila kay JC at may selosan pa rin.

* * *

Si Anne Curtis ang bida sa entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival na Baler, na ang original title ay The Siege of Baler. War-time love story ang tema nito sa script ni Roy Iglesias at direksyon ni Mark Meily.

Hinahanap pa ang makakapareha ni Anne sa kanyang biggest movie ever at kung susuwertehin sa takilya, simula na ng pagiging big-time movie actress niya. Nabanggit minsan ng actress na kahit gumagawa siya ng pelikula, mas kilala pa rin siyang TV star at hindi movie star, kaya kailangan niya ng big break sa movies at ito na nga 'yun.

Ang maganda pa, sasabayan ang Baler ng Dyosa, ang fantaserye niya sa ABS-CBN na July 14 din yata ang premiere.

* * *

Sa pagpapatuloy ng Joaquin Bordado, makikita ni Jimboy (Renz Valerio) ang kuwintas ng buritzka sa kanilang bahay, hahawakan niya ito at iitim ang kanyang mga mata. Siya ang tunay na tagapagmana.

Dadalhin ni Jason (Mark Herras) sina Cecille (Ryza Cenon) at Kevin (Antonio Aquitania) kay Russo (Eddie Garcia) na noo'y nagtangkang mag-suicide, dahil wala na siyang powers. Malalaman nina Jason at Cecille na magkamag-anak sila at 'di puwedeng magmahalan.

Source: People's Tonight