Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Michelle Madrigal is pressured to match Dina Bonnevie's portrayal of Moret in Tinik Sa Dibdib

"Naikuwento sa akin na ang galing-galing ni Ms. Dina Bonnevie sa role na Moret. Award-winning pa ang role kaya natatakot ako noong ibigay nila sa akin ang role. Kailangan may mapatunayan talaga ako. Hindi ko man malagpasan ang pagganap ni Ms. Dina, mapant

Author: Ruel J. Mendoza

Bukod sa role ni Sunshine Dizon bilang Lorna sa Tinik Sa Dibdib, ang isa pang may magandang role sa naturang afternoon soap ng GMA-7 ay si Michelle Madrigal na gumaganap bilang Moret.

Si Dina Bonnevie ang orihinal na gumanap na Moret sa pelikulang Tinik Sa Dibdib noong 1985. Sa husay ni Dina sa pagganap bilang sintu-sintong kapatid ni Phillip Salvador sa pelikula, nagwagi siya ng best supporting actress trophies mula sa FAMAS at sa Film Academy of the Philippines (FAP).

Natandaan namin na noong tanggapin ni Dina ang role na Moret ay kakahiwalay lang niya sa mister niyang si Vic Sotto. Kaya ibinuhos daw niya ang lahat ng kanyang nalalaman sa pag-arte sa role niya bilang si Moret.

Pagkatapos niyang manalo ng dalawang acting trophies, doon na siya nabigyan ng lead roles sa pelikula; tulad ng Magdusa Ka, Alabok Sa Ulap, Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili, at marami pang iba.

Kaya pressured si Michelle dahil alam niyang nakasalalay sa kanyang performance ang ikagaganda ng kanyang role as Moret sa TV version ng Tinik Sa Dibdib.

Aniya, "Naikuwento sa akin na ang galing-galing ni Ms. Dina Bonnevie sa role na Moret. Award-winning pa ang role kaya natatakot ako noong ibigay nila sa akin ang role. Kailangan may mapatunayan talaga ako. Hindi ko man malagpasan ang pagganap ni Ms. Dina, mapantayan ko man lang sana. I really pray na mabigyan ko ng justice ang pagganap ko as Moret."

Nabibigyan na ng magagandang roles si Michelle tulad ng mga huling nagawa niya na Dyesebel at Zorro. Kaya nga unti-unti na raw niyang iniiwan ang sexy image. Pabor nga 'yon for Michelle dahil alam niyang marami nang darating na mas bata at mas sexy sa kanya.

"I guess it's time na na pagtuunan ko na ang acting. Yung maging serious na ako talaga. I've been given good roles lately at gusto kong pagbutihan na 'yon. Yung pagpapa-sexy, hanggang pictorials lang siguro ako. But still, I want to lessen that na rin. Gusto kong makilala bilang mahusay na artista. Sa role na ibinigay nila sa akin sa Tinik Sa Dibdib, simula na ito sana ng mas magagandang roles pa in the future. Hindi lang sa TV kundi pati na rin sa movies," saad ni Michelle.

Source: Philippine Entertainment Portal