Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Michelle kay Yasmien: Ano'ng karapatan niyang magselos?

HITSURANG tinarayan ni Michelle Madrigal si Yasmien Kurdi habang ini-interview sa presscon ng My Monster Mom, na pinagbibidahan nina Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama. Three years after maghiwalay, muling nagsama sa isang project sina Michelle at JC d...

 

Michelle kay Yasmien: Ano'ng karapatan niyang magselos?

Column: Hot Shots
Author: Gerry Ocampo

HITSURANG tinarayan ni Michelle Madrigal si Yasmien Kurdi habang ini-interview sa presscon ng My Monster Mom, na pinagbibidahan nina Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama.

Three years after maghiwalay, muling nagsama sa isang project sina Michelle at JC de Vera, current loveteam ni Yas, sa MMM, kung saan may kissing scene pa sila.

Nang tanungin kung hindi ba nagselos si Yas sa kissing scene, sagot ni Michelle, "Bakit? Ako naman talaga ang unang girlfriend ni JC. Anong karapatan niyang magselos? Saka, huwag siyang mag-alala, dahil sa movie lang kami nagkabalikan. "

Paano kung ligawan uli siya ni JC?

"Well, wala akong magagawa. Feeling ko nga, pagkatapos ng kissing scene naming, gusto pa rin ako ni JC," pilyang sey ni Michelle.

Bukod sa kanya, kay JC at sa mag-inang Ruffa at Annabelle, kasama rin sa cast ng MMM sina Iwa Moto, Bubbles Paraiso at Chariz Solomon sa role na atsay ni Bisaya.

Ito'y mula sa direction ni Joey Reyes at joint production ng Regal Entertainment at GMA Films.

Speaking of Ruffa and Annabelle, ibinulgar ng una na nagkatampuhan silang mag-ina habang nagsu-shooting ng My Monster Mom.

Pero dahil parehong professional, 'pag sinabi ni Direk Joey na take na, emote to death silang dalawa.

Minsan daw kasi, nagkakaagawan sila ng linya, kaya nakakalimutan ni Annabelle ang dialogue niya.

Nagkaayos din sila sa ending at masayang ipinagdiwang ang comeback movie ni Annabelle.

Pahabol pa ni Bisaya, sure na sure siyang magiging blockbuster ang pelikula at magkakaroon pa ng sequel.

* * *

GRABE ang ipinakitang suporta ng fans ng mga Pinoy Idol hopefuls.

May kanya-kanya silang manok na ipinaglalaban, kaya hindi maiiwasan ang pagsasagutan at pagtatarayan. Obvious na obvious ito sa kaso nina Walton at Melys, na natsugi last Sunday, laban sa kampo nina JJ at Daryl.

Ayon sa mga maka-Walton, dapat ay sina Daryl at JJ ang natsugi.

Muntik ding magsuntukan ang dalawang kampo kung hindi lang naawat ng mga tagapamahala ng talent search.

Samantala, ang latest na nag-away sa PI ay sina Kid at JJ. Alamin sa Pinoy Idol Extra mamaya kung ano ang pinagsimulan ng kanilang gusto, pati na ang hindi pagkakaunawan nina Carol at Sue.

* * *

DATI-RATI, 'pag may nangyayaring 'di maganda kay Sunshine Dizon, nagpapaunlak agad ng interview ang mother dear niyang si Dorothy Laforteza.

Ngayon, iwas to death si Mommy Dorothy tungkol sa tunay na rason ng pagkakatsugi ni Sunshine sa teleseryeng Gaano Kadalas Ang Minsan.

May nagdududang baka buntis ang young actress at kiyeme lang ang pagbabalik ng sakit nitong migrane at one month nang pabalik-balik ng ospital.

Ano nga ba ang totoo, ha, Sunshine?

Source: People's Tonight