Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mickey dusa sa dyowa

Author: Joey Sarmiento
Column: Watsup

Naka-one-on-one namin ang TV host cum actor na si Archie Alemania sa set ng Juicy sa TV5 kamakailan at nilinaw niya ang lahat ng is-sues behind the teary-eyed Mickey Ferriols sa isang presscon.

Ang isyung pambababae, pagbabarkada at hilig sa gimik every weekends ay nilinaw din ni Ar-chie, pati na ang isyung fake 'yung una niyang marriage proposal sa TV.

"Baka tears of joy 'yung tears ng babes ko the last time. Kasi I can't see any reason kung bakit naman siya maiiyak dahil wala naman talaga kaming malaking problema.

"Yap. We have our share of tampuhan, pero hanggang du'n lang naman 'yun. Kasi kapag feeling ko, eh, lalaki lang ang tanpuhan namin umaalis na lang ako ng bahay at nagpapalamig ng ulo para walang problema. Pero, normal lang naman siguro 'yun sa da-lawang taong nagsasama.

"Once in a while, I go out with barkadas, tinatawagan ko sila para naman magkakuwentuhan kami, but it doesn't mean na nagbubuhay binata na ako.

"Wala na akong hilig sa tsiks. Noon, aaminin ko na medyo may selosan factor pa sa aming dalawa ni Mickey, pero nga-yon ay wala na, kasi ma-tagal na kaming nagsa-sama.

"Hindi rin totoo na fake 'yung marriage proposal ko noon sa TV. It is true na sinabihan ako ng isang production staff na kung puwede akong mag-propose ng marriage kay Mickey on TV, pero it all came from my heart.

"At inulit ko 'yun per-sonally in private and in fact, on the year 2010, tuloy na tuloy na ang ka-sal namin.

"Dapat nga 2009, eh, kaso 'yung kapatid ko ikakasal din kaya sukob. So, we moved it to 2010," ang mala-attorney na pagdepensa ni Archie sa kanyang sarili.

Hindi kaya mag-react ang searchees sa Mysmatch show sa sinabi ni-yang hindi na siya nambababae?

Mag-share ka na lang kasi ng tsiks, Archie, 'no!

* * *

Maraming paninira ang nasulat tungkol sa show na Ka Pete na Ka Long Pa na ginanap recently sa Music Museum.

Kesyo hindi raw kumita ang produ at hindi man lang daw umabot sa 100 ang bumili ng tickets ng show.

Ang totoo niyan, ta-nging ang Ticketworld at ang producer ng show lang ang nakakaalam ng exact figures ng kanilang sales ng tickets and as far as I know, eh, mukhang masaya naman ang produ ng show na 'yun proving na mali ang malicious articles na naglalabasan.

We were also there nu'ng first and second weekends and puno naman ang venue at masaya ang audience sa ipinakita ng dalawang komedyante pati na rin ng kanilang ce-lebrity guests.

* * *

Pagkatapos ng gulo sa pagitan ni Direk Celso Ad Castillo at ng produ-cer ng Sanib 2, ikinuwento sa amin ng singer/actress na si Honeyblanca na naayos na nila ang lahat at nasa dubbing stage na sila. They are hoping na maipalabas na ang Sanib 2 this year na pinagbibidahan nga-yon ng dating child star na si Victoria Haynes. May magandang papel din dito si Honeyblanca na siguradong magmamarka sa isipan ng moviegoers. For the record, dalagang-dalaga na si Victoria and she is now in college sa isang international school sa Ortigas area. Gone were the days na makulit pa siyang bata na patakbu-takbo sa set ng Home Along da Ri-les ni Tito Dolphy where she played the role of little tot of Tita Nova Villa. Ngayon, may boyfriend na si Victoria.

Honeyblanca naman is the producer under HB Movie Entertainment, who just came from a series of singing engagement in Osaka, Japan and she is doing another horror movie. Ayaw naming i-reveal kung sino ang cast but definitely hindi na si Celso Kid ang direktor.

* * *

Caregivers studio contestants sa Gobingo

PUNUMPUNO ng pag-'care' ang mapapanood natin sa Gobingo mama-yang gabi dahil ang studio contestants ay caregivers.

Ma-care din kaya sa kanila ang host na si Arnell Ignacio kapag hindi nila nasagot nang tama ang mga tanong?

Ang Gobingo ay napapanood mula Lu-nes hanggang Biyer-nes ng gabi sa GMA-7

* * *

Event organizer missing

KUNG may nakakakilala sa taong ito (nasa picture) na ang panga-lan ay Hendric A. Hermida, isang ma-nager at event organizer-cum-pro, na huling nakita isang buwan na ang naka-raraan sa kanyang opisina sa may Timog Aveneu Quezon City, paki-text o ipagbigay alam na lang sa mobile number 0927-6422-874. Salamat po sa inyo!

Source: Taliba