|
|
| Milyong panalo ni Pacman sa casino ipinambili ng kotse ni JinkeeAuthor: Noel Asiñas Ayon sa aming source nanalo raw ng milyun-milyon si Manny Pacquiao sa casino. Pero tikom ang bibig ng Pambansang Kamao dahil pinagbawalan na siya ng misis na si Jinkee sa pagsusugal Pero sa balitang ibinili niya ng bagong kotse si Jinkee, game na sinagot na Pacman na isang brand new Mercedez Benz nga ang iniregalo sa asawa. Sa presscon ng Show Me Da Manny, na umere last Sunday sa GMA-7 kapalit ng sitcom ni Vic Sotto na Full Haus, tinanong si Manny kung bakit kotse ang naisipan niyang iregalo sa asawa? "Naglalambing na siya sa akin noon pa tungkol sa kotse. Siyempre ako kunwari ayoko. Pero regalo ko talaga ang Mercedez Benz na 'yun dahil naging endorser na siya ng Belo. "Siyempre, nagulat siya at natuwa. Tinagu-tago ko pa raw, eh, bibilhin ko rin naman pala para sa kanya. Muntik na nga siyang bumili pero naunahan ko na siya. Itago na lang niya ang mga kinikita niya para sa mga anak namin," say pa ni Manny. Nag-iipon na ng episodes si Pacman para sa Show Me Da Manny dahil sa September ay magsisimula na siyang mag-ensayo bilang preparasyon sa laban niya kay Miguel Cotto sa Nov. 14 sa Las Vegas. * * * Hindi naitago ng mga tagasuporta nina Jay Perillo at Zyrene Parsad ang dismaya nang matanggal ang dalawa sa anim na finalist ng Are You The Next Big Star ?. Marami sa tagasuporta at kamag-anak ng dalawa ang nagsipag-iyakan. Ang iba naman ay hindi rin nakatiis na alaskahin ang natirang finalist na sina Francheska Farr, Camille Cortez, Alex Castro at Geoff Taylor, na mas may karapatan daw ang kanilang bet na sina Jay at Zyene. Hindi nakita on cam ang pag-aaway ng tagasuporta ng natanggal sa fans ng contenders sa natirang apat na finalists. Mabuti na lang at walang pisikal na sakitan kundi berbalang pagbabatikos lang ang naglitanya sa mga pasaway na fans na hindi matanggap na talunan ang kani-kanilang idol. Maganda din ang naging gesture ni Jay para sa amin dahil isa-isang nilapitan ang bumubuo ng banda, judges na sina Pops Fernandez, Danny Tan, Mon Faustino, Annie Quintos at Vernie Varga (pumalit kay Randy Santiago) para magpasalamat. Anyway, congrats kina Francheska at Geoff na nag-uwi ng P1 milyon cash from SM Supermall with exclusive management contract sa GMA Artist Center, a recording deal with GMA Records plus condominium unit from Avida Towers sa New Manila. * * * Last Sunday din ay naimbitahan kami sa opening ng JLos Resto na pag-aari ni Lito de Guzman . Yes, ang manager ng Baywalk Bodies ay may resto business na sa Imus, Cavite. Nagpa-singing contest sa press na dumalo si Lito bilang pasasalamat sa suporta at pagdalo sa opening kanyang resto. "Actually franchise lang ito. Kailangan ko magkaroon din ng ibang pagka-kakitaan, 'di ba?" say ni Lito. Pambatong pagkain ng JLos resto ang inasal na manok na napakasarap, promise! Present din si JMoore, ang half-Pinoy/half Australian Pinoy na naglunsad kamakailan ng kanyang debut album. Lumaki sa Australia si JMoore, na ang buong pangalan ay Jerome na pinili sa 'Pinas maging singer. Nagulat kami sa talent ni JMoore, na graduate sa Australia at nagtatrabaho sa Immigration sa Australia pero mas piniling maging singer. Marami na raw siyang nahuling illegal citizen sa Australia na napauwi sa kani-kanilang bansa. Pero iginiit niyang kahit minsan ay wala siyang nahuling ilegal na Pinay sa Australia. Karamihan daw sa nahuhuli at napapauwi nila ay Chinese at Taiwanese citizen na ilegal na naninirahan sa Australia. At the age of 22 ay lumaking independent si JMoore kaya naman hindi problema sa kanya na manirahang mag-isa sa inuupahang condo unit. Dahil baguhan lang siya sa bansa ay madalas daw siyang maligaw sa pinupuntahang lugar kaya imbes na bumili ng kotse ay nagta-taxi na lang siya para sihuradong makakarating sa pupuntahan nang hindi naliligaw. Walang malisya din ni-yang sinagot ang tanong kung anong edad siya unang nakatikim ng sex. Ayon sa young singer, nasa tamang edad na siya nang na-devirginize sa kanyang girlfriend sa Australia. Ngayon ay loveless daw ang binata at nagka-concentrate sa career sa tulong ni Lito, ang nagha-handle ng kanyang singing at showbiz career. * * * Isang karangalan kay Piolo Pascual na choice siya nina Kris Aquino at Star Cinema na gumanap bilang si Ninoy Aquino. Hindi maipaliwanag ni Piolo kung gaano siya ka-privilege as an actor na magagampanan ang role na ito. So far, wala pa naman daw formal na pag-uusap. Text message pa lang daw mula kay Kristeta ang natatanggap niya at mga pag-uusap with Ms. Malou Santos. Kung mabibigyan daw siya talaga ng pagkakataon, kung paano niya pinag-aralan at ni-research ang character niya noon sa Dekada '70, mas lalo pa raw siyang magri-research sa buhay ni Ninoy. Bago pa siya gumanap bilang si Ninoy ay hinihingi muna ni Piolo ang suporta para sa pelikula niyang KimmyDora na showing na sa September 2. Source: Taliba |