|
|
| Milyong piso ni Manny Pacquiao ipinamimigay sa mga nangangailanganAuthor: Noel Asiñas MARAMING sumusunod sa halimbawa ni Manny Pacquiao na pagse-share ng ma-laking bahagi ng natatanggap niyang blessings sa mga nabiktima ni Ondoy. Marami nang Kapuso stars ngayon ang halos kalahati ng kanilang talent fees ay ibinibili nila ng relief goods at ipinamumudmod sa mga sinalanta ni typhoon Ondoy. Si Manny kasi ay nagdonate ng P1million cash sa Kapuso Foundation para sa mga nabiktima ni Ondoy, maliban sa personal niyang pamimili ng relief goods at siya mismo ang magkakaloob ng mga ito pagbaba niya mula sa Baguio City kung saan siya nagte-training para sa laban niya kay Cotto. Li-libutin ni Pacman ang Angono, Rizal sa pamimigay ng relief goods sa tulong ng itinatag niyang foundation. Mismong si Katrina Halili rin ang nag-distribute ng goods, damit, batya at iba pa nitong Monday sa Marikina, at pagkatapos ay pupunta raw siya sa Taytay, Rizal. Nagbigay din ng donation sa Kapuso Foundation si Francine Prieto. At kasama si Chynna Ortaleza, nag-distribute din sila sa isang unknown place ng sarili nilang relief goods. Nagtulung-tulong naman sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Gabby Eigenman, John Feir, Antonio Aquitania at ang staff ng Pi-noy Foundation ni Dingdong sa pagbibigay ng relief goods sa Pasig. Nagpunta rin sina Dingdong at Marian Rivera sa Cainta at sila mismo ang namigay ng relief goods doon. Nagkaloob din ng relief goods sina Carla Avellana at Geoff sa Red Cross, Alabang. Nagbigay din ang dalawa ng cash donations sa GMA Kapuso Foundation. Sina Bubbles Paraiso at JC de Vera, mga alaga ni Annabelle Rama, ay nag-distribute din ng kani-lang relief goods. Visible din sila sa satellite repacking grounds ng GMA na nagsisilid ng relief goods sa bags. Si Alfred Vargas ay nag-distribute din ng relief goods at nagkaroong ng feeding center sa mga apektadong lugar sa Greater Fairview. Naka-schedule naman sina Rainier Castillo, Yasmien Kurdi at friends nilang stars na mamigay ng sariling relief goods next week sa 'di pa malamang lugar na nasalanta ng bagyo. * * * MATATAG ang tambalang Mark Herras at Jennylyn Mercado dahil hit ngayon sa televiewers ang kanilang Ikaw Sana na buena-ma-nong telebabad presentation ng GMA7 bago ang 24 Oras. Humahatak nang husto sa ratings ang soap dahil ma-ganda ang istorya nito at pa-wang de-kalidad ang mga ar-tistang kasama nina Jen at Mark sa soap na kinabibilangan nina Pauleen Luna, Tirso Cruz III, Maritoni Fernandez, Marissa Delgado, at iba pa. * * * SUPER-HIT ang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie dahil last Saturday ay kumita ito sa mga sinehan sa buong Pilipinas ng P50 Million. Sabi ng source, lumamang na ang Yaya and Angelina gross kesa sa naku-ha ng Kimmy Dora na tampok naman si Eugene Domingo at Dingdong Dantes. Hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin ang co-medy movie nina Ogie Alcasid at Michael V. Tiyak kaming masusundan pa ang movie tandem na ito na su-mikat sa Eat Bulaga. Hindi akalain ng GMA at APT Films na ganito kalakas ang mangyayari sa movie ng mag-kaibigang Ogie at Michael V, na kahit bumabagyo ay pinapasok ang mga sinehang pinagpapalabasan ng Angelina and Yaya para mano-nood nito. * * * LUMALAKAS naman sa takilya ang movie nina Aljur Abrenica at Kris Bernal , ang Nanrito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo. Humupa na ang baha at maraming kabataang fans ng dalawa ang talagang pumi-pila ngayon sa mga sinehan para suportahan sila. Dahil sa success ng tandem ng dalawa, may bagong soap na ngayon sina Aljur at Kris na pang-primetime. Ang tentative title nito ay Prince Charming. * * * MAY tatlong linggo pa ang Hole in the Wall sa last season nito for 2009. Sigurado kaming mapapanood ulit ito next year. Bibigyang daan lang ang pagbabalik ng Family Feud ni Richard Gomez na nagsi-mula nang mag-imbak ng epi-sodes na mapapanood bago ang Ikaw Sana. Source: Taliba |