Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Milyun-milyon, pinakawalan ni Dingdong para kay Kris

Milyun-milyon, pinakawalan ni Dingdong para kay Kris

Author: Abante

MALAKI raw ang posibilidad na tanggapin na ni Dingdong Dantes ang panliligaw ni Kris Aquino sa kanya para mag-endorse sa kapatid nito na si Noynoy Aquino sa pagka-Presidente.

Naging very vocal si Kris sa pagsasabing sa pa­milya, especially sa kanilang magkakapatid, unanimous choice nila si Dingdong para siyang mag-endorse kay Noynoy among the young actors.

Umalis si Kris patungong Hawaii kasama ang kanyang pamilya na wala pang sagot sa kanyang panlililigaw. Ang alam namin, bago kasi ang panliligaw ni Kris, may ilang pulitiko na rin na nag-aalok at humihingi ng tulong kay Dingdong para i-endorse sila.

Pero sa latest na nabalitaan namin, mukhang sa lahat, si Kris ang posibleng sagutin niya ng “oo”. Hindi pa nga lang sila formal na nagkakausap ngayon, pero mukhang sa pagsagot ng 'oo' ni Dingdong kay Kris pa rin papunta ang usapan.

May nakapagbulong sa amin kung gaanong nakakalula ang offer ng dala­wang pulitiko para iendorso lang sila ni Dingdong. At kung totoo nga na mas pipiliin ni Dingdong si Kris, nangangahulugan lamang na hindi ang napakalaking milyones na ibabayad sa kanya as endorser ang tinitingnan ni Dingdong dahil obviously, napa­kawalan na niya 'yun.

Knowing Dingdong, mas ang prinsipyo at paniniwala ang pinaiiral niya.
Anyway, aminado si Dingdong na idol niya si dating Sen. Ninoy Aquino. Mataas ang paniniwala at paghanga niya sa dating Senador at Bayani ng bansa.

In fact, sa Ninoy's campaign shirt ng Bench, alam naming si Dingdong pa ang nagprisinta kung puwedeng siya ang mag-endorse nito. Kaya naman hindi kataka-takang suportahan nga niya ang candidacy naman ni Noynoy ngayon.

Balita rin namin na pagdating daw ng bansa ni Kris, posibleng i-meet ng entire family ang aktor.

On the other hand, ang pilot episode ng Stairway to Heaven na pinagbibidahan ni Dingdong ay nakakuha ng 33.5% sa Mega Manila at 25.8% naman nationwide. Umaasa naman ang marami na mas pataas pa ang magiging rating nito lalo na kapag pumasok na sina Dingdong at Rhian Ramos.

Source: Abante