|
|
| Minumulto?![]() Author: Jojo Gabinete PINATOTOHANAN ni Buboy Tan na may nagmumulto o nagpaparamdam sa bahay na tinirhan nila sa Vigan nang mag-shooting dito ang buong cast ng Barang. Si Buboy ang direktor ng Barang. Sa kuwento niya, bandang alas-singko ng umaga nang makarinig siya ng dalawang babae na nagkukuwentuhan sa loob ng kanyang kuwarto. Dinig na dinig ng direktor ang malakas na pag-uusap ng mga babae sa wikang Ilokano pero walang tao sa kanyang paligid. Bumangon siya mula sa kanyang kama at sumilip sa bintana pero wala siyang nakita. Lalong kinilabutan ang direktor nang malaman nito na may kakaibang karanasan din si Jaclyn Jose sa Vigan house na tinirhan nila. *** A case of mistaken identity ang nangyari kay Liezl Sicangco at sa dating singer na si Elaine Carriedo aka Elaine Lozano. Parehong mestisa ang dalawa kaya napagkamalan si Elaine na si Liezl nang samahan niya sina Robin Padilla at Regine Velasquez sa Gawad Urian noong nakaraang Huwebes. Nasa Australia si Liezl kaya imposibleng isama siya ni Robin sa Gawad Urian, lalo pa at kasama ng aktor sa awards night si Regine na kapareha niya sa bagong pelikula ng GMA Films. Pinanood namin ang Gawad Urian sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University. Hindi namin nakita si Liezl pero naroroon ang dating aktres na si Susan Henson. Hindi mahirap mapansin si Susan kahit kahalubilo ito ng mga ordinaryong tao dahil maganda pa rin siya. Pero kung hindi kami pamilyar sa kanyang mukha, mapagkakamalan namin na si Cheska Inigo si Susan dahil magkahawig na magkahawig sila. Dumalo si Susan sa Urian Awards dahil gumawa raw siya ng isang digital movie at gustong-gusto niya na magbalik-showbiz. Kung hindi kami nagkakamali, may participation si Susan sa Umaaraw, Umuulan, ang digital film na pinrodyus ni Herbert Bautista at ng mga kapatid nito. Sa kuwento na narinig namin, lumapit si Susan kay Herbert para humingi ng tulong kaya isinama siya ng incumbent QC vice-mayor sa cast ng Umaaraw, Umuulan. *** Imbitado sa London International Film Festival ang MLR Films Kubrador. Natanggap kahapon ni Atty. Joji Alonso ang imbitasyon para sa ika-13 international film festival ng award winning movie na pinagbibidahan ni Gina Pare�o. Mula October 18 hanggang November 2 ang schedule ng LIFF. *** Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com Source: Abante |