|
|
| Misis at kabit ng male celeb, nagpang-abot sa hotel!Author: Mercy Lejarde BONGGACIOUS ang produ ng I. T. A. L. Y. dahil ilang beses na silang nagpapa-preskon, in fairness. Ngayong Linggo, may preskon na naman sila bago ang premiere showing sa SM Megamall. Take note, mahal pero masarap ang food sa napili nilang venue. Ito naman ang maipagkakapuri mo sa GMA, pati na sa Regal at APT Films. Tuwing mag-iimbita sila sa premiere night ng kanilang movies, talagang mabubusog, hindi lang ang iyong mga mata viewing their projects, kundi pati na ang iyong tummy. Hindi ka tatamarin pumunta at i-review ang pelikula nila, lalo't nasa panahon na tayo ng nagkalat na DVD copies na very comfortable mo pang mapapanood sa balaysung mereseng nakahiga, nakataas ang paa with matching food and drinks ngayong tag-ulan at bagyo season, tsuk! One more thing, sabi ng dyunakis naming si Love Camille, talaga raw napakaganda ng mga tanawin sa Italy dahil nalibot na niya itech nu'ng siya ay nag-"seawoman" sa isang luxury cruise ship. Kaya, must go and see namin ang I. T. A. L. Y. rain or shine man. Magsa-sun dance na lang kami mala-Sarah Geronimo sa AVSL bago pumunta sa premiere night, hahaha! Mukha kasing nakaaaliw ang mga eksena nina Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Dennis Trillo, Eugene Domingo, Rhian Ramos at Mark Herras, ha! * * * ALIW naman kami, Ian F. , sa nasusulat na kuwentong "tarayan blues" nina Kris Aquino at Charlene Gonzales sa isang fashion event. Iba talaga kapag mga sosi at may breeding ang "nagtatarayan," porke idinaraan nila in spokening bawawaw (read: English), tulad na lang ng naging dialogue raw ni Charlene kay Kris na tipong malumanay pero iritado: "Do you have a problem with my dress?" Simple lang ang dating ng kanilang tarayan blues, devah naman? Hindi tipong palengkera, in fairness. At dahil maraming online readers ang nang-aalaska kay Kris dahil sa nangyari sa kanila ni Charlene, 'di kaya sila buweltahan ni Tetay at mag-dialogue itech ng "Can't she take a joke? It's no big deal, Kapamilya!" at tuloy imbitahan si Charlene na maging studio player ng Kapamilya, Deal or No Deal? Hmmm... na-remember tuloy namin ang dalawang sosyal na babae na belong sa alta sosyedad nu'ng minsang mag-krus ang landas nila sa lobby ng Manila Pen. Magkaibigan ang dalawa. Pero iisa ang mhin sa buhay nila. 'Yung orig na misis, nauna nang nakaupo sa lobby having dinner with some friends, including yours truly. Maya-maya, nag-enter the dragon, este, frame ang friend at ang mister ni Kumander. Naupo sila sa isang table. Ilang sandali pa'y nagpunta si mister sa CR. Pasimpleng tumayo ang orig na misis at lumapit sa friend niya kuno. Dialogue nitech (na later on ay ikinuwento sa amin), "Are you having an affair with my husband?" Sagot daw ng friend niya kuno, "So, what's your problem?" Sagot ng orig na misis, "Your face is my problem. .. walang kahiya-hiya!" sabay talikod nitech. Oooh, sosing tarayan, devah naman, Ian F. ? Celebs din sila in their own right, pero secret, wa na clue, tsuk! Basta, 'kaaliw kapag ang mga nagtatarayan ay dalawang "sosyal. " * * * ALIW din ang Magicians episode ng Sharon bukas ng gabi. On VTR si Nyoy Volante with Goin' Bulilit kids doing magic tricks. Kaya kung gusto n'yong matutong mag-magic, puwes, huwag na huwag kayong kukurap habang nagwa-watch, okidoki? Incidentally, bukas ng gabi na rin ang grand finals ng Pinoy Dream Academy Season 2 sa Cuneta Astrodome. Sino kaya ang tatanghaling Grand Star Dreamer, si Bugoy, Laarni, Cris, Miguel, Van o Liezel? Nakasalalay ang kapalaran nila sa inyong text votes. 'Yon lang. Source: People's Tonight |