Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Missing You: Pops-Martin's reconciliation concert magaganap na

Author: Mell T. Navarro
Column: Mouthful

SOLD-OUT na ang tickets ng Missing You, ang much-anticipated comeback Valentine concert ng estranged couple na sina Martin Nievera and Pops Fernandez.

Gaganapin ang ma-kasaysayang reunion concert ng concert king and queen ngayong Bi-yernes (Feb. 6), 8 p. m. sa Araneta Coliseum.

Expected na ang ga-nitong eksena dahil na-sabik nang husto ang Martin-Pops diehard fans na andiyan pa rin para suportahan ang dalawa. Five years na ang last concert nila toge-ther, and heto na ang Missing You para sa kanilang lahat.

Tulad ng nangyari sa presscon kamakailan, magkakaiyakan kaya on-stage sina Martin at Pops, lalo na't makakasama nilang magtatanghal ang kanilang mga anak na si-na Robin at Ram? Ma-sasabing ito ang reconciliation concert nina Pops at Martin dahil from now on daw, magiging 'close friends' na raw talaga sila at wala nang ma-gaganap na patutsada-han sa pagitan nila.

Ang Missing You ay sa direksiyon ni Rowell Santiago at produced by Jomari Yllana, ang current BF ni Pops, na aminadong isang Martin-Pops fan.

Iba na ang level ng pagiging celebrity nga-yon ni Jomari, concert producer na siya na mul-ti-million peso ang production cost.

* * *

LAKING suwerte ni Joseph Bitangcol dahil siya ang nag-Grand Champion sa season 9 ng Shall We Dance ng TV-5 last Sunday.

Sa Celebrity Challenge Finale, nag-uwi ng P500,000 si Joseph as his grand cash prize. Ti-nalbugan niya ang mga kalabang sina Jordan Herrera at Chokoleit.

Likas na magaling naman talagang dancer ang alagang ito ni Manny Va-lera, mula pa no'ng Star Circle days niya sa ABS-CBN. Hanggang sa pagbuo ni Direk Manny ng boyband nilang Boyz. com, si Joseph ang talagang tinitilian ng kanyang fans sa paghataw ng sayaw.

Tuwang-tuwa si Joseph sa half a million peso cash prize niyang nakopo from Shall We Dance finals.

* * *

SPEAKING of Walang Kawala, no doubt na ito ang most successful gay indie flick noong 2008, mula sa halos sumabog na UP Film Institute premiere night nito hanggang sa box-office sa re-gular showing nito sa cinemas.

Kumita na ito sa takilya, napapansin pa sa acting department ang ilan sa cast like Emilio Garcia (Best Suppor-ting Actor sa 9th Gawad Tanglaw awards na ga-ganapin sa March 2 sa Las Piñas university. Ang nakatutuwa, hindi lang sa 'Pinas mapapanood ang Joel Lamangan flick na ito. Nire-request din pala ito sa gay circuit abroad, partikular sa mga Pinoy community sa ibang bansa.

Nabanggit na sa amin ang dalawang cities sa Amerika na interesadong bilhin ang Walang Kawala at itanghal ito roon this March. Pero, until wala pa kaming final confirmation ay wiz muna namin isusulat. Bonggacious ang Joseph at Polo kung sakali, dahil fly sila sa U. S. A sa pagpapalabas doon ng movie.

Siyanga pala, may go-see or audition para sa follow-up movie ni Direk Joel na ito ngayong Sabado (Feb. 7, 1-7 p. m. ) sa no. 5 Scout Magbanua near corner Roces Avenue, QC. Hanap nina Direk Joel at executive producer Manny Valera ay 16-26 years old na kalalakihan na guwapo, pero higit sa lahat willing magpa-sexy sa pelikula. Magdala lang ng pictures.

* * *

TINATAWAGAN ang lahat ng co-alumni namin sa Saint James Academy (Malabon City): Ang SJA Alumni Association Inc. ay magkakaroon ng gene-ral assembly at elek-syon ng bagong alumni officers sa Sabado (Feb. 7) sa Malabon campus. Registration starts 8 a. m. and election of the new set of SJAAA Board of Directors is from 10 a. m. to 12 nn.

Ang ilan sa mga po-pular alumni ng SJA Ma-labon ay sina:Senate President Juan Ponce Enrile, political scientist Alex Magno, former DO-TC Secretary Rainerio Reyes, beauty queens Sarah Jane Paez and Evelyn Camus.

Para sa detalye, tumawag sa 282-8237 or e-mail sjaaa_trustees@ yahoo. com.

Source: Taliba