|
|
| Mo Twister, gusto uling mag-showbiz![]() Column: Ito Ang L8st Ngayon! Hindi ko mapapalampas ang kapalpakang naranasan ko sa Globequest kamakalawa. Ang Globequest ay ang wireless internet service ng Globe Telecom. Nagpabili ako ng 1000 worth of card sa kapatid ko sa The Coffee Bean & Tea Leaf sa Promenade sa Greenhills. Wala silang P1000 denomination kaya sampung tig-P100 vouchers ang ibinigay sa kuya ko. Nang gagamitin ko ang card, umubra naman ang unang P100 (50 minutes worth of usage) nang mag-log in ako. Na-consume ko ‘yung 50 minutes. No’ng gagamitin ko na ang second card, denied na ang bagong username at password na ipinasok ko. "Sorry, authentication failure" ang response na natatanggap ko. Nang itinawag ko ang problema sa technical support ng Globequest, may ipinaliwanag sa akin ang isang nagngangalang Eve. Dahil hindi ako maka-log in, she gave me another password. Habang kausap ko itong Gib sa linya ng cellphone, sinubukan ko ang ibinigay niyang password. Hindi pa rin umubra. Sabi nito, tatawagan daw niya ako kung paano aayusin ang problema. Hanggang sa sinusulat ko ang column na ito, hindi pa rin ako makapag-log in sa Globequest. Na-delay na ako sa mga deadline ko dahil sa kapalpakan ng serbisyo ng Globequest. At higit sa lahat, ang pera na ipinambili ko ng card. Hindi biro ang isang libong piso sa panahon ngayon. In fairness, mabait at magalang namang kausap si Eve. Kahit ‘yung mga sumasagot sa kanilang hotline ay magagalang. Wala sa kanila ang problema. Nasa system ng Globequest ang problema. Kung signal naman ang pag-uusapan, maayos naman ang signal sa The Loop ng ABS-CBN. Mataas. Ayoko na ring subukan pang gamitin ang ibang card na binili ko dahil baka makatanggap na naman ako ng "sorry, authentication failure". Nakakainit ‘yun ng ulo. Lalo pa’t may hinahabol kang deadline. Nakikiusap ako sa Globequest. Ayusin n’yo ang serbisyo ninyo. "We go out — have dinner. We’re okey," sabi nito. Tatlong buwang mamamalagi sa bansa si Mo. "I really wanted to study law. But it’s very expensive in the States. While I’m here in The Philippines, I’ll work. Bahala na," anito. Pero nagulat ako sa sinabi ni Mo Twister na kung kailangang mag-stay siya for good sa Pilipinas ay gagawin niya. Ibig sabihin, may problema talaga sa pagsasama nila. Sa ngayon, ang Star Magic ang tumatanggap ng bookings at inquiry kay Mo Twister. Source: Pilipino Star Ngayon |