Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mo Twister to Boy Abunda: You're overreacting with the crying

Author: Nitz Miralles

BUMUWELTA

Ano ba 'yan, hindi pa nga naipalalabas (sa March 8 sa GMA-7) ang Missing You concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera, may tsika nang nagkakalabuan sina Pops at Jomari Yllana, isa sa mga producer ng concert.

Ayaw magsalita ni Jomari at bisi-bisihan ito sa taping ng Zorro at sa pag-aasikaso sa back-to-back concert nina David Cook at David Archuleta.

Ang Fearless Promotions nila nina Ronald at Ryan Luis Singson ang magpo-produce ng concert at paalis nga si Jomari para makipag-usap sa dalawang David at sa kanilang manager tungkol sa concert na naka-schedule sa May 16.

Pinipili pa kung sa MOA o sa The Fort ito gagawin. Kailangang open-air para mas marami ang makapanood.

Problema nina Jomari at Pops na hindi sila nagkikita at sa phone na lang nagkakausap dahil pareho ngang busy.

Kung may Zorro ang actor, may I Love Betty La Fea naman si Pops at paalis pa this March para sa U. S. tour ng Divas for Divas at sa second week ng April ang balik. Marami nang pinagdaanan sina Pops at Jomari at sayang kung maghihiwalay lang sila.

* * *

Opinion Central segment pa lang ng Showbiz Central, maintriga na sa buwelta ni Mo Twister na overreacting lang si Boy Abunda sa controversial statement ni Dra. Vicki Belo sa show two Sundays ago.
"You're overreacting with the crying, why are you crying?" ang exact words ni Mo.

Posible ring magalit si Jericho Rosales kay Mo sa sinabi nitong the actor cheated on Heart Evangelista sa Gimme Mo segment, pero kinowt lang nito ang actress. Sabi naman ng actress, wala siyang regrets sa mga nangyari sa buhay niya.

Matapang si Sunshine Dizon sa sinabi sa Intriga Crossfire na hindi siya happy sa present government, na may plano siyang pumasok sa pulitika, pero 'di pa ngayon.

Tanggap nito ang comment na TV star siya at hindi movie star dahil matagal nang hindi gumagawa ng pelikula at ang Sundo ng GMA Films ang comeback movie niya.

Umiyak si Jennylyn Mercado sa interview ni Pia Guanio nang amining pinatawad na niya ang mga naninira sa kanya at hindi na niya itinuloy ang demanda sa isang tabloid.

Kahit daw masama ang trato sa kanya ng tabloid, nagpapatawad siya.

Kasama ni Jennylyn ang owner ng biniling bahay para magpatotoong hindi ito mareremata at hindi 'yon bigay ni Sen. Bong Revilla.

Nag-react din siya sa nasulat na laos na siya dahil kung totoo 'yon, 'di na siya bibigyan ng show ng GMA-7.

In fairness, mataas ang ratings ng Paano Ba Ang Mangarap? nila ni Mark Herras.

* * *

Balik-GMA-7 si Eric Quizon sa All About Eve at gagampanan niya ang role ng ama ni Mark Anthony Fernandez na network president.

Ayaw daw sana nitong tanggapin ang project dahil sa Hong Kong na siya based at nagtatrabaho sa Spring Time Stage Productions bilang house producer, pero pinangakuan siyang ang schedule niya ang susundin.

Tuesday and Thursday ang taping ni Eric, umaalis siya sa Hong Kong ng last flight ng Monday evening at first flight ng Friday ang balik niya roon.

Walang conflict sa trabaho niya dahil Monday at Friday siya kailangang mag-report. Hong Kong permanent resident na ang status ni Eric.

* * *

NGAYONG gabi sa Luna Mystika, susugurin ni Dexter (Mark Anthony Fernandez) si Laminak, pero mabilis itong kumilos at lilindol na ikahuhulog ng binata.

Sasaklolo si Simon (Ariel Rivera) kina Luna at Celestina (Heart Evangelista) at maglalaban ang mag-amang Simon at Celestina.

Hihingin ni Dexter ang kamay ni Luna kina Simon at Diana (Rita Avila) at ibabalita ni Celestina kina Joaquin (Dante Rivero) ang pagpakasal nina Luna at Dexter.

May masamang plano sina Joaquin sa araw ng kasal.

Source: People's Tonight