Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mocha ibang klaseng gumiling

Mocha ibang klaseng gumiling

Author: Raymund Vargas
Column: G A L A

HULI man ay nais ko pa ring ipaabot ang aking pagbati sa pamunuan ng PMPC sa matagumpay nilang pagdaraos ng kanilang Star Awards for Movies kamakailan lamang.

Deserving ang lahat ng mga nanalo ng awards at pati ang production numbers ay pawang magaganda partikular ang number ng Sexbomb, nina Ara Mina at Valerie Concepcion.

Outstanding din ang performance ng grupong Mocha na bukod sa husay kumanta ay magagaling pa ring sumayaw at talaga naming mae-engganyo kang sabayan ang bawat indayog ng kanilang bewang.

Sabi nga ni Rochelle Pangilinan na kaibigan ng band leader at lead singer na si Mocha, " Grabe ang energy ng grupong 'yan at saludo ako sa galing nilang mag-perform, puwede mong isabay sa mga foreign acts. "

"Nakakataba naman ng puso ang mga papuring natatanggap namin, kaya naman patuloy ang ginagawa naming pagsisikap na lalo pang mapaganda ang bawat performance namin para naman hindi masayang ang mga papuri ibinibigay nila sa amin" sambit naman ni Mocha ng minsang maka-kwentuhan namin siya sa gig nila sa Mugen bar.

Hindi nakapagtataka kung bakit linggu-linggo ay hindi sila nauubusan ng out of town shows bukod pa sa kanilang regular gigs kapag araw ng Martes sa Mugen Bar, Metrowalk; kapag Miyerkules sa Bluewave sa Macapagal at every Thursday naman ay sa Hardrock Café.

"Nagpapasalamat nga po kami sa aming choreographer dahil lagi na lang si-yang may bagong dance step para sa aming mga kanta tulad na lang dito sa bago naming kantang ipinu-promote na Hawak Mo Aking Kamay. Tiyak na masisiyahan ang mga tao sa mga sexy moves namin dito," kuwento pa ni Mocha.

"Malapit na rin na maipalabas sa mga music channel ang music video ng Hawak Mo Aking Kamay at nagpapasalamat din po kami sa Sundari,Jancen Cosmetic Surgery,Mohesaka,Whitesmile Dental Clinic at ang Dickies na patuloy na nagtitiwala sa amin bilang endorser nila. " pagtatapos ng seksing leader ng grupo.

Source: Taliba