Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mommy ni Sarah kay Rayver: Tantanan mo na ang anak ko!

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

NA-SHOCK ang butihing ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine nang hi-ngan namin ng reaksyon tungkol sa napapabalitang panliligaw raw ni Rayver Cruz kay Melissa Ricks.

"Ganon ba? Eh kung may nililigawan palang iba si Rayver, huwag na nyang ligawan ang anak ko. Tantanan na niya ang anak ko," reaksiyon ni Mommy Divine na halatang first time na narinig ang isyung ito.

Hiningan din namin siya nang reaksyon tungkol sa napapabalitang pagkaka-mabutihan nina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez.

Natsismis na rin kasi noon si Sarah kay Lloydie at ito pa nga ang tinuro na dahilan sa pakikipaghiwalay nito sa longtime GF ng aktor.

Ayaw niyang mag-comment sa isyung John Lloyd at Ruffa pero ang opinyon lang ni Mommy Divine, kung ikaw ay isang lalaking may karelasyon na, huwag ka nang manliligaw pa ng ibang babae.

Generic ang pagkakasabi niyang ito at wala siyang pinapatungkulan na kahit na sino. Aray ko!

Birthday ni Sarah sa July 25 pero wala pa siyang birthday plans.

Gusto lang niyang hu-mingi ng ilang libreng araw kay Viva big boss Vic del Rosariopara makapag-celebrate ng kanyang kaarawan with her friends.

Tamang-tama rin ang pagkakalabas ng latest TVC niya para sa Careline Cosmetics na "All Pretty Ladies".

Target nito ang teen market tulad ng students na namomoroblema sa pimples, acne, darkspots and blemishes.

Ang make-up line ng Careline ay may oil control Formula kaya safe ito sa skin ng mga bagets.

Mura pa ito kaya madali lang ang gumanda tulad ni Sarah.

* * *

Tuloy na tuloy na ang pagsasama nina Martin Nievera at Gary Valenciano sa isang concert after 26 years.

The historic concert is billed As One at gagawin sa MOA Concert Grounds on Sept. 19.

Sa ngayon ay wala pa silang naiisip na guest artists pero kahit sina Martin at Gary na lang ang mapanood ng mga tao ay sulit na.

Mauuna si Martin sa billing which is understandable dahil seniority wise ay mas nauna ng one year si Martin kaysa kay Gary sa pagpasok sa showbiz.

The concert is being produced by Gary himself, along with his non-showbiz business associates.

Ayon kay Gary, hindi naman daw mahal ang talent fee ni Martin.

Kumbaga, presyong kai-bigan ang rate na ibinigay ni Martin sa kanila.

Samantala labas na nga-yon ang latest TVC ni Gary kasama ang asawa niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano.

Ito ay para sa GluControl, isang breakthrough herbal dietary supplement.

Ito lang ang una at nag-iisang diabetic care supplement na mayroong Pycnogenol na tumutulong sa pagma-manage ng blood sugar, improve circulation and lower blood pressure.

Nakakaloka lang ang binahaging impormasyon sa amin ni Angeli na so far ay nakaka-20,000 pricks na si Gary sa katawan nito para sa insulin niya since na nagkaroon ito ng diabetes 25 years ago. Ouch!

* * *

Binigyan ng sariling afternoon series ng ABS-CBN si Valerie Concepcion, ang Pat Is Tin.

Dahil dito ay minabuti ni Becky Aguila (manager ni Val) na ipag-acting workshop ulit ito.

It has been two years na raw since nagbida si Val sa isang teleserye, ang Sinasamba Kita na pilot series noon ng SineNovela ng GMA.

Take note, mismong si Direk Laurice Guillen ang humahawak ng acting worshop ni Val para ma-brush up ang acting ng host.

Natutuwa si Valerie na pinayagan siya ni Willie Revillame na mag-absent pa-minsan-minsan sa Wowowee para sa kanyang afternoon series.

Si Jon Avila ang love interest niya dito.

Source: Taliba