Jul 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelp

'Monster Mom' playdate, inurong

GAYA ng alam na natin, after KC Concepcion, si Richard Gutierrez naman ang pumirma ng movie contract sa Star Cinema para sa gagawin nilang pelikula. Sa Mario's Restaurant, lunchtime last Friday, pumirma ang young actor, kasama ang OIC ng GMA Fi...

 

'Monster Mom' playdate, inurong

Column: Basta
Author: Nitz Miralles

GAYA ng alam na natin, after KC Concepcion, si Richard Gutierrez naman ang pumirma ng movie contract sa Star Cinema para sa gagawin nilang pelikula.

Sa Mario's Restaurant, lunchtime last Friday, pumirma ang young actor, kasama ang OIC ng GMA Films na si Noel Ferrer.

Ipinahiram ng GMA Films si Richard sa Star Cinema para sa pelikulang sisimulan ang shooting sa August (o August ang playdate?) to be directed by Joyce Bernal.

Hindi co-production ng dalawang film companies ang project, pero may kapalit na project na i-a-announce sa pagbabalik ni Annette Gozon-Abrogar from her European vacation.

Maganda ang scenario na sinabi sa amin sa mangyayari sa pagbabalik ni Annette na tamang-tama at nakabalik na that time si Richard sa taping ng Codename: Asero sa Dubai at si KC nama'y tapos na sa recording ng kanyang first album sa Sony BMG Music Entertainment.

Nilinaw din ni Noel na walang nahirapan sa negosasyon, dahil idea pa nga nilang pagsamahin ang dalawa.

Hindi rin daw ibig sabihin na magiging madali sa ibang talents ng GMA Films ang pagtawid sa Star Cinema sa pagpapahiram nila kay Richard.

May special arrangement ito at may kapalit na feeling namin, pelikula rin. Ito kaya ang nababalitang project ni Joey Reyes kina KC at Richard?

Sa pagtatambal na ito nina KC at Richard, mapagbibigyan nila ang maraming requests to see them together sa pelikula.

Tama nga namang ibigay kung ano ang gusto ng tao, bago pa sila magsawa sa kahihiling.
* * *
SUPER involved palang talaga si Annette sa mga ginagawang pelikula ng GMA Films, pati ang co-produced ng ibang movie outfit, gaya na lamang sa My Monster Mom, na co-produced ng GMA at Regal Entertainment.

Siya ang namimili ng magiging theme song ng movie at gusto niya ang She's a Maniac at Man Eater ng Hall & Oates. Kinanta pa ang line na bagay sa movie at ang tagline na magka-catch ng attention.

Si Roselle Monteverde-Teo naman ang nakita naming tumitingin sa poster na babagay kina Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez.

In fairness, kahit puro mock-up posters pa lang ang aming nasilip, magaganda na. Sina Annette, Roselle at Mother Lily Monteverde naman ang nag-decide na iurong sa June 25 ang playdate ng movie para 'di makatapat sa isa pang local movie.
* * *
HINDI pa namin nasasabi kay Dingdong Dantes ang bagong reklamo ng fans nila ni Marian Rivera sa fan nila ni Karylle na nagpo-post ng mga litrato nila sa Internet.
Siguradong may magandang paliwanag dito ang actor.

Hindi rin naman apektado ang ratings ng Dyesebel sa pagkontra ng fan na ito sa sumusuporta kina Marian at Dingdong.

May nang-uurirat sa nasulat naming bagong endorsement ni Marian na magiging controversial. Bukod sa spa endorsement nila ni Piolo Pascual, may mas magiging controversial siyang product endorsement na bawal pang sabihin kung ano. Wait na lang kayo!

Samantala, nagkaroon ng chance si Marian na umuwi ng Bacoor, Cavite, kamakailan para dumalo sa fiesta roon at makipag-bonding sa ilang relatives na galing sa Spain.

Ang kumakain talaga ng oras niya ay ang taping ng Dyesebel, na ginagalugad yata ni Direk Joyce ang lahat ng karagatan.
* * *
USO ang reklamo ng fans ngayon. Inirereklamo naman ng fans nina Kristine Hermosa at TJ Trinidad ang pag-iiba ng plano ng ABS-CBN na 'di na ituloy ang unang in-announce na Book Three ng seryeng Prinsesa ng Banyera.

Pinapatay daw ng network ang tambalan ng dalawa sa move nilang ito.
'Katuwa at si Diether Ocampo pa ang pinaghinalaang nagkalat ng maagang pagwawakas (this May na ba?) ng Prinsesa ng Banyera.

Sa rami ng ginagawa ng actor, afford pa ba nitong magkalat ng tsismis?

Saka, inamin na nitong tapos na sila ni Kristine.
* * *
ANG gandang manood ng Joaquin Bordado, dahil sinasabayan ng bigating stunts at action scenes ang ganda ng special effects.

'Katuwa ang multiplicity scene ni Russo (Eddie Garcia) at ang kakaibang kapangyarihan ni Jeromo (Ian Veneracion).

Samantala, malapit na kayang manumbalik ang alaala ni Sofia/Carol (Iza Calzado) at makikilalang si Joaquin (Robin Padilla) at Jimboy (Renz Valerio) ang tunay niyang mag-ama?

Nakikita rin ang improvement ni Erenea (Kylie Padilla) sa delivery ng lines niya in Tagalog.
* * *
PERSONAL: Hindi matapus-tapos ang pasasalamat namin sa mga tumulong sa pamilya namin sa panahon ng aming pamimighati. Thanks to Shirley Kuan, KC Concepcion, Karen Martinez, Noel Ferrer and Ryan Agoncillo.

Pasasalamat din kay Dr. Rubi Li ng St. Luke's Medical Center at sa kanyang fellows, nurses at lahat ng nag-extend ng tulong habang naka-confine ang sister namin. Sa mga nakikiramay, salamat!

Source: People's Tonight