Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

More celebrities react to the spread of video scandals

More celebrities react to the spread of video scandals

Author: Dominic Rea

Hindi lang buong bansa kundi buong mundo ang binulaga ng pinag-uusapan ngayong sex scandal videos kung saan dalawang sikat na celebreties sa local showbiz industry ang involved namely sexy-actress Katrina Halili and Hayden Kho. Nagsimula sa usap-usapan hanggang sa mapatunayang totoo nga ang mga akusasyong nagkalat na nga from the internet hanggang makarating ito sa bangketa kung saan buong masa nang nakakita at nagpiyesta mula radyo at telebisyon. Just recently, ay lumabas, nagsalita at nagpakita na rin sa telebisyon si Hayden Kho at nagbigay ng kanyang panig, humingi ng patawad at tila nako-konsensiya sa lahat ng pangyayari. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito'y sino nga ba ang salarin? Ilang female celebrities muli ang tinanong ng ABS-CBN.com on what they can say about the proliferation of sex videos today.

Valerie Concepcion (Wowowee Host-Actress)
"A sex video bill should be immediately passed and approved by the Senate to put an end to the proliferation of sex videos. It's unhealthy for the young and old to be patronizing sex videos. We are a Catholic country and let's respect our culture."

Roxanne Guinoo (Actress)
"With regards to that matter,dapat pati babae responsible sa ganyang mga bagay at mas maging responsible sa kanyang sarili. Whether gusto niya o ayaw niya dapat maging maingat hindi lang ang lalaki or else she'll be a victim. Dapat po siguro magkaroon na talaga ng batas for that matter."

Alma Concepcion (Actress-Beauty Queen)
"I'm so sad that the younger generation is exposed to such scandals...It was different in the past that many things are considered taboo...The times now show how liberated people are...In fact the term liberated is an understatement. Liberation has become perversion...Sick...When a person is addicted to pornography, he or she would have insatiable satisfaction on sex..forgetting anymore what's proper and not...I'm alarmed with the availability of porn all over...I can't imagine and i can't anticipate what's gonna happen 10 to 20 years from now since this is already shocking now."

Kitkat (Actress-Comedienne)
"It's terrible!Ang sa akin lang,para saan ba ang mga video? They're doing it anyway! Ginagawa naman nila yun klahit anong oras nila gusto at saan. Pangit lang kasi bakit kinakailangang may video pa at bakit ang bilis? Kailangan lang sigurong magkaroon na tayo ng batas about that dito sa Pilipinas. Mostly kasi,kaming mga babae ang nabi-biktima....Stop it!"

Cristine Reyes (Actress)
"Huwag tayong basta-basta na lang magtitiwala sa ibang tao! Responsibilidad mo rin kasi ang sarili mo. Batas lang ang kailangan natin for this case para matapos na at mahinto na ang isyung ito."

Mickey Ferriols (Actress-Host)
"Matuto tayo sa ating mga pagkakamali at maging responsible sa lahat ng bagay sa lahat ng ating ginagawa. In this particular case,siguro, okay sa akin ang magkaroon na rin tayo ng batas for this, kasi, it's nakakaloka and maraming tao ang nadadamay like dumating na nga sa ganitong point. Nakakalungkot. Iwasan natin yung ganitong isyu. Wala naman kasing victim kung walang nagpapa-biktima 'di ba? Lalo na sa ating mga artista na nagiging ehemplo kasi tayo eh. Napapanood tayo sa television at nababasa, kaya ingat na lang tayo."

Pokwang (Actress-Comedienne)
"Matakot tayo sa Diyos sa pinaggagawa natin. Isang sagradong bagay yun at hindi mo dapat ipinapangalandakan sa buong mundo ang ginagawa nyo kung anuman 'yun. Wala ng respeto. What if one day magkaroon ka rin ng anak na babae,tapos nakita mong pinagpapasa-pasahan ang video mo, 'di ba, ang panget ng ganoon. Tama lang sigurong maglagay na tayo ng batas para naman ma-proteksyunan na tayong lahat. At para matapos na rin. Tama na ito."

Source: ABS-CBN Interactive