Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mother Lily, aligaga kay Marian

Author: Nel Alejandrino

Aligaga si Mother Lily sa pag-iisip kung sino ang puwedeng maging leading man ni Marian Rivera sa susunod niyang project for her.

Bakit 'di na lang si Dingdong Dantes?

Kung sabagay, kahit si Marian nagsabi sa amin na possible raw na after their current series, Ang Ba-baeng Hinugot Sa Aking Tadyang, bibigyan sila ng GMA-7 ng pagkakataon na magkaroon naman ng ibang kapareha.

Kung sabagay, there's what is called the "sawa" factor in showbiz.

* * *

OF course, Ian F. , you know naman kung sino si Bugoy Drillon na first runner-up sa Pinoy Dream Academy Season 2.

Bugoy episomized the true probinsiyano when he joined his fellow scholars sa academy which also served as their dormitory. Yes, from the way he dresses and the way she moves. Actually, buong personalidad niya.

Bugoy told us, Ian F. , that the day nang duma-ting siya para sumali officially sa PDA, was his first sa Manila. Ganunpaman, 'di raw siya nagkaroon ng pagkakataong makapaglibot, dahil tumuloy agad siya ng academy.

"Ngayon lang ako nagkakaroon ng pagkakataong makapaglibot. Na 'di pa naman gaano," ani Bugoy.

Bugoy lives with an auntie and her family in Antipolol.

"Bakit ang layo ng tinitirahan mo?," tanong sa kanya ng entertainment press, na dumalo sa presscon for him.

"Kasi, at least, 'di ko kailangang magbayad sa paninirahan sa auntie ko. 'Di ko pa kayang umupa ng sariling apartment. Lalo na ng isang unit sa condo," sagot niya.

Wala pa raw siyang kotse. Kaya, nagtataksi siya patungong ABS CBN tuwing may commitment siya. Madalas ay kasama niya ang mga kasamahan niya bilang top five winners sa PDA sa mga gigs na pinupuntahan niya.

And guess how much Bugoy spends pang tip?

"P60 ang nakarehistro sa metro. Pero, kapag nagbayad ako ng P100, binibiro ako ng driver na kanya na ang sukli. Nahihiya naman ako. Kung minsan, ibinibigay ko na lang" sabi ni Bugoy.

* * *

Even with the phenomenal success of his first single, Paano Na Kaya?, kitang-kita pa rin ang pagka-probinsiyano ni Bugoy. Sa kanya ay nagkaka-totoo ang kasabihan you can take the boy out of the country but never the country out of a boy.

"Actually, I really don't mind kapag may nagku-comment na probinsyanong-probinsyano pa rin ako. Because I still feel I am.

"Anak ako ng isang farmer. Na naging farmer din. Pero, nangarap. Nagsikap at ngayon, may kaunti nang nararating.

Bugoy's first album, titled Bugoy: Paano Ka Ngayon? is finally in the market na. It's carrier single, Muli like Paano Na Kaya, is a no. one favorite among radio stations.

May concert si Bugoy kasama ang iba pang PDA scholars sa Ratsky on February 13. On February 22, mapapanood uli sila ni Laarni sa SM Sta. Rosa.

Source: People's Tonight