|
|
| Mother Lily at Eugene, bati na!Author: Nitz Miralles Hindi kaya lumipat sa GMA News and Current Affairs mula sa entertainment si Richard Gutierrez dahil nag-i-enjoy ang actor sa project na ibinibigay sa kanya ng News & Current Affairs. After Signos, kinuha uli si Richard to host Planet: Philippines na mapapanood sa September 6, Sunday, 10:30 p. m. to 12:30 a. m. , sa timeslot ng SNBO. Lumibot si Richard sa buong bansa para ipakita ang magagandang lugar, flora and fauna na unti-unting naubos. Umakyat din siya ng bundok at lumangoy sa dagat para ipakita sa viewers ang kahalagahan nang isang malinis at malusog na kapaligiran. Nakipag-tulungan din si Richard sa GMA News & Current Affairs at Earth Day para sa tree planting na ginawa kahapon sa Montalban, Rizal. Nag-attend din ang actor sa Eleksyon 2010: Tatakbo Ka Ba? at siguradong ma-i-involve sa iba pang darating na projects ng department. In fairness, hindi naman pinababayaan ni Richard ang showbis at habang hindi pa sinisimulan ang Full House, ginagawa muna niya ang horro flick na Patient X opposite Cristine Reyes at sa direksyon ni Yam Laranas. * * * Hindi na maghihintay ng matagal si Marvin Agustin for his next soap after Adik Sa 'Yo dahil sa September 9, magsisimula na siyang mag-taping ng TV remake ng Tinik Sa Dibib katambal ni Sunshine Dizon. Walang time magpahinga ang actor na manggagaling sa Korea para sa isang archery competition dahil pagbalik, magre-report agad sa taping. Gagampapan niya ang role na ginawa ni Phillip Salvador sa movie at si Sunshine naman sa role ni Nora Aunor. Big challenge kay Marvin ang bagong role dahil maraming eksenang hubad siya at dapat daw paghandaan. "Happy ako sa role na binibigay sa akin dahil hindi ako nabo-bore. Sa Adik Sa 'Yo, nagko-comedy ako, nag-kontrabida na rin ako at bold star naman ako rito sa Tinik sa Dibdib. Hindi isyu sa akin kung afternoon soap ito, importante may trabaho," wika ni Marvin. Masaya rin si Marvin na extended ang Adik Sa 'Yo at maganda ang mangyayari sa kanila ni Joana (Jolina Magdangal). Tutukan n'yo na lang hanggang ito'y matapos. * * * Natatawa si Nadine Samonte dahil kahit saan siya magpunta ngayon, hinahanap sa kanya si Impi, ang kakambal niyang impakta sa Darna. Nagbiro itong mas sikat na sa kanya si Mura, gumaganap na Impi dahil inuuna itong kumustahin kesa karakter niyang si Roma. Mabigat daw ang dummy ni Impi na nasa likod niya at parang 3 kilos ang bigat nito at nakakapahinga lang siya 'pag lumilipat ito sa ibang tao. Marami pang kata-takutang gagawin ang kakambal at isa sa magandang eksena ang paghaharap nila ni Darna. Samantala, isa si Nadine sa GMA Artist Center talent na featured sa special edition ng S Magazine na ilo-launch sa September 24 sa Atrium ng SM North Edsa. Magka-karoon din ng photo exhibit sa SM North Edsa, MOA at SM Megamall. * * * Tungkol sa Ilocos Norte, kasama ang Vigan ang featured story ni Kiko Rustia mamaya sa Born to be Wild at ikinuwento nito ang mga pinuntahang lugar at ipinakita pa sa amin ang magagandang litrato sa kanyang lap top. Happy si Kiko sa kanyang trabaho lalo't positive ang feedback sa kanya. Gusto nitong puntahan ang Tawi-Tawi at ibang parte ng Mindanao. Katabi namin si Nadine Samonte na amazed na amazed sa dreadlock ni Kiko at natuwa pa nang ipakita ng host ng BTBW ang baby pictures ng mga kapatid na babae at pictures nilang magkakapatid na malaki na, dala-dala at nakaipit sa kanyang journal. Next time makausap namin si Kiko, magre-request kaming basahin ang sinulat na two poems para kay Mika Batchelor ng Survivor Philippines 2 entitled A Day Without You at Sunrise. Obvious bang in-love siya kay sexy Mika? * * * Showing ngayon ng Kimmy Dora, ang launching movie ni Eugene Domingo na produced ng Springfilms at inamin nitong nenenerbyos siya sa magiging box-office result nito. Pero kahit ano pa ang mangyari, thankful siya sa mga producer kabilang si Direk Joyce Bernal, Dingdong Dantes at buong cast ng movie at mga kaibigang artistang nag-cameo. Ang daming nakatatawang eksena sa movie, lalo na pag nag-a-adlib si Eugene at mag-i-LOL din ang viewers sa eksena nila ni Regine Velasquez. After this, four months magpapahinga sa paggawa ng pelikula at soap si Eugene para mag-recharge at tinapos lang ang Adik Sa 'Yo. Kaya hindi niya magagawa ang Ang Nanay Kong Aswang ng Regal dahil may hinahabol na playdate. Nang magkita sina Eugene at Mother Lily sa 3rd Star Magic Ball, nag-sorry siya at nagpaliwanag at tinanggap ng producer. Ang Nieves kaya'y magawa ni Eugene? * * * Wednesday sa All My Life, galos lang ang tinamo ni Jules (Aljur Abrenica), pero si Romina (Kris Bernal), duguan ang left side ng mukha. Lalabas ng ospital si Romina na 'di alam ni Jules at makikita ito sa gilid ng kalye na parang wala sa tamang pag-iisip. Alam na ni Amelia (Gelli de Belen) na buntis si Dessa (Jenny Miller) at si Romano (Zoren Legaspi) ang ama. Binuking ni Lindsay (Jade Lopez) na may nangyari sa kanila ng bading na si Agatha (Jay Aquitania). May three months offer gig naman sa banda nina Jules sa isang cruise ships, sumama kaya si Jules at iiwan si Romina? Source: People's Tonight |