|
|
| Mother Lily, binalewala ng kampo ni Kris! Mga researchers na kulang sa research!![]() Author: Alfie Lorenzo HINDI lamang sa mga opisina nakakapag-empleyo ng mga researchers na sila mismo ang dapat ma-research dahil sa kakulangan nila ng kakayahang mag-research! Naku, ang lalim yata niyan, ah! Birthday kasi ngayon ni Kris Aquino-Yap. Eh, hanggang kahapon na lang ang namaalam na “Boy & Kris” at sa Lunes ay magsisimula na ang may sawa factor na “Showbiz News Ngayon” sa gabi, na ewan kung saan sila kukuha ng mga showbiz news gabi-gabi, unless mag-imbento na naman ang mga kulang sa research na researchers nila! Bumati ang ilang personalities kay Kris ng happy birthday kahit hindi naman gaanong close o kakilala ni Kristeta, basta lang may babati sa show, 'yun na! Kung in their right minds 'yang mga researchers na 'yan at nag-research na nga - how can they possibly missed out Mother Lily Monteverde of Regal Films na mismong si Kris ang nagsadya sa Valencia office ng Regal para magprisintang mag-artista? At ako mismo na nanduon with Mother Lily ay siyang kinuha ni Kristeta na personal PRO - along with my katroika na wala na ngayon! And then, sinundan ng grupo naman ni Jerry Olea nitong Abante na pinagluluto pa ni Kristeta sa condo unit niya sa Pasig, na later on ay grupo naman ni Ethel Ramos ang kinuha ni Kris in a clever effort to win all the legitimate press? Without these people na nagtayo ng foundation ni Kris Aquino's career, may aabutan kaya ang mga researchers na 'yan to research for Kris TV show? Gosh! Abelgosh, noh! At any rate, kahit na nakalimutan na kami ni Kristeta nu'ng Pasko at birthday ko, iba kami - babatiin pa rin namin siya ng Happy Valentine's and Happy Birthday too! Kumusta na lang kami sa nanay mong kumare namin sa kasal na si Tita Cory Aquino, huh! And my beloved Senator Noynoy Aquino! Bless ka Noynoy! Isa pa palang katamaran ng mga researchers ng “Boy & Kris” ay ang request ko sa kanila na kunan ang Cely's Carinderia na pinagkukunan ko ng paku salad na paborito ni Kris Aquino. Sey ng mga impakta diyan eh hindi raw sila nag-a-out of town kasi wala silang budget. But as a few would have seen on TV, kung saan-saan na nakarating ang mga TV crew nila hanggang sa Boracay, huh! Gawa ng limited space kahapon, postponed ang kuwento naming ipinangako sa inyo for yesterday sana kaya today namin ilalahad. After four short years ay ngayon lang kami uli dumalo sa meeting ng PAMI (Professional Artists Managers Inc.) na sort of get together lang sa bagong bukas na Cafe Via Mare na nasa dating lugar ng Seattle's Best. This is owned yata by a special someone of Quezon City Vice Mayor Herbert “Bistek” Bautista - soon to be mayor. Katsika ng ilang PAMI members si Bistek nu'ng late na kaming dumating around 9:00 pm from a 7:00 pm calltime. Nakakain na lahat ang mga beterana led by still Chairman Ethel Ramos, President for life June Rufino, Norma Japitana, Dolor Guevarra, Shirley Kuan, Veanna Forres-Araneta, Bibsy Carballo, and Wyngard Tracy. Wala namang bago sa tsikahan, the presscon the previous day, si Rustom & Carmina (with the presence of Carmina's manager, Dolor Guevarra around), Sunshine Cruz (nanduon ang manager ni Cesar Montano), pirated CD players and copier, ang medical condition ng apo kong si John-John, “May Bukas Pa”, and “Tayong Dalawa”. We just had a drink at 'yung inorder naming food ay pina-to go na lang compliments of Cafe Via Mare's owner. Go na kami sa Imperial Palace Suite ni Mother Lily for the Wednesday club weekly tsibugan and tomaan ng San Mig Light. Syempre hinintay namin ang pagdating ni Bisaya from Cebu na syempre may dalang litson Cebu. Inabutan namin doon ang mag-asawang Donna Villa at Carlo J. Caparas na hinihiram pala kay Mother Lily si Marian Rivera for a movie na ipuprodyus ng mag-asawa. Carlo J. mentioned to us na ang nobela niyang “Rosenda” ay bagay kay Juday. Hundreds pa pala ang mga nobela ni Carlo J. na puwede niyang ibenta sa dalawang giant network. During our prime, Carlo J. had 36 running novels sa mga iba't ibang komiks na lumalabas araw-araw. Kami naman had only 32 movie columns. How we were able to outlived the deathly feat is one mystery of life up to now. Kahit na gabi ang last flight from Cebu ni Annabelle Rama ay dala pa rin niya ang isang litson Cebu. Dalawa pala 'yun pero inarbor ni KC Concepcion 'yung isa para iuwi. Tinadtad kaagad ang litson and in just a few minutes, ubos na sa mesang pinaghainan! Haping-hapi si Bisaya sa first day results ng KC-Richard movie na “When I Met U” sa opening day nito na talagang pinilahan sa takilya ng 100 theatres. Sa Cebu ay punung-puno raw ang SM mall na pinuntahan at maging nu'ng magsimba sila sa Sto. Niño ay pinagkaguluhan sina KC at Richard hanggang sa loob ng simbahan! Naka-sumbrero na nga raw ang dalawa ay may nakakilala pa kay Richard na nagsisigaw ng “idol! idol!” at narinig ng iba kaya hayun at dinamba na ang dalawa. Baka raw magkagulo pa sa loob ng simbahan kaya dali-daling umeksit na sina bisaya. Sa Maynila, relax na relax si Mother Lily na nagpapamasahe dahil more than P10M daw ang opening day gross nito. Tutoong kita 'yan at hindi padded. Kung sa iba lang 'yan, gagawin ng P16M -P18M, pero honest ang Regal at GMA Films. Kung anong tutoo, 'yun ang sinasabi nila at hindi pinapa-press release! Tapos babaguhin pag may bagong palabas para lang ma-topple down ang may hawak ng rekord. Parang MMFFP na pataas nang pataas ang annual gross kung kelan pa pakonti nang pakonti ang nanonood ng sine. Haping-hapi si Bisaya nung gabing 'yun kaya namudmod na siya ng balato sa sobrang tuwa niya. Humahanap na nga ng araw para sa victory party, eh sunud-sunod naman ang happenings na parating. Like tomorrow, may Carlo J. Caparas na ipe-presscon. Birthday pa ni Senator Jinggoy sa Feb. 20. Naka-jackpot na naman ang directorial job ng kaibigan naming si Joel Lamangan na 'di malamangan, kaya siya ang definite choice na ni Mother Lily na magdidirek sa Juday-Ryan movie nila sa Regal Films. “Hoy, yung mga binigyan ko na ng balato ngayon, wala na sa victory party, ha!” ani Bisaya. Na sinagot in chorus ng Wednesday Club members: “Ay iba pa rin 'yung sa blowout, noh!” At nagkatawanan habang nagpapaalam na ang pagod na si Bisaya na hindi halata sa masiglang kilos niya. Eh, jackpot na naman kasi sa takilya ang “Mama's Boy” niya, noh! Na na-retain ang pagiging Valentine King of the box-office! Inggit ka, Papa P? Salamat sa mag-asawang Candy & Rez Cortez for whatever na alam na nila kung ano, ganoon din kay Vice Mayor Bistek, Carlo J. Caparas & Donna Villa, Malou Choa-Fagar, Ma'am Wilma Galvante, Ma'am Charo, Ma'am Cory, Malou Santos, Bong Osorio, Mother Lily, Annabelle Rama, Dingdong Dantes & Marian Rivera, Kian Kazemi,(not flowers but an everlasting one noh!), Ejay Falcon, Benjie Alipio, Douglas Quijano, Richard Gomez, Senator Bong Revilla, Lani Mercado, Tirso Cruz III, Jeffrey, Ynah, Brylle Mondejar, Jigo Garcia, Juday & Ryan, Julie Anne Benitez, Deo Endrinal, Enrico Santos, Boy Abunda, TV5, Virgie Ramos, National Bookstore, Rosing's Candies, Fred of Cely's Carinderia, Marsha Nepomuceno of Perfect Loaf, Century Resort Hotel, Alex Ozaeta of Pagcor, Allan K & Lito Alejandria, Popoy Caritativo & Mart Escudero, Direk Joel Lamangan, Direk Butch Plata & Dolor Guevarra, Ricky Davao, the Carmelite Sisters, the Brotherhood of Priests, Ama kong Nazareno sa Quiapo at Baby Sto. Niño ko sa Carmelite Convent, sa apo kong si John-John for making my daily life a joy to live on. A Happy Valentine's day to you all, my loves!!!!! Source: Abante |