Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mother Lily, gumiling-giling sa Bangkok!

Mother Lily, gumiling-giling sa Bangkok!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

NAG-ENJOY kami nang husto sa bakasyon namin sa Bangkok, Thailand last week. Except lang sa sobrang trapik, na kahit malapit lang ang pupuntahan ay oras talaga ang inaabot ng biyahe namin.

Pero siyempre, dahil sa masasarap na pagkain, makakalimutan mo rin ang trapik, dahil mabubundat ka talaga.

First time namin sa Bangkok, although nakapunta na kami sa Puhket, dahil sa taping ng dating GMA sitcom na Lagot Ka...Isusumbbong Kita!

Remember, 'yung kontrobersyal na insidenteng na-detain sa police station ang buong cast?

Anyway, kasama nga naming pumunta sa Bangkok sina Mother Lily, Malou Choa Fagar, Ana Pi­ngol, Allan Diones, Walden Belen at Joe Barrameda, pati na si Jojo Gabinete.

Sumunod naman last Friday ang senior program nanager ng GMA na si Redgie Acuna Magno, pati na sina Dondon Sermino at Ricky Davao.

Sa unang gabi namin ay kasama namin sa pamosong lugar na Patpong si Allan Diones. Pumasyal kami sa market na kung saan kinunan ang eksena ni Leonardo Di Caprio sa pelikulang The Beach.

Sa gilid ng lugar na `yon makikita naman ang mga girlie bars, na kung saan ay iba-ibang lahi ng babae ang nagsasayaw na naka-bikini!

At kapag napatingin ka, bigla kang hihilahin ng mga barkers, o sa salita natin, bugaw!

Although, walang entrance, mahal naman ang beer. Ayaw na lang naming mag-compute dahil manghihinayang lang kami.

Siyempre, tambak ang mga massage parlor sa lugar na `yon. Isa nga `yon sa ipinagmamalaki sa Thailand!

Nakapasyal din kami sa mga mall na tulad ng World Center, Platinum Mall, pero wala kaming nagustuhang tinda.

Masarap kasama sina Ricky Davao at Mother Lily, dahil game na game sila at walang reklamo sa mga eksena namin. At sa isang bar na pinuntahan namin, nagkataon na sangkatutak na mga Pinoy ang dumayo roon para manood ng show, at lahat sila ay nakipagtsikahan kay Ricky.

Pero, memorable sa amin ang huling gabi namin doon, dahil sosyal talaga ang dinner namin sa gitna ng Thai river. Habang eat kami ng buffet, umaandar ang ship na Pinoy ang entertainers, huh!

Siyempre, namangha kami sa nakita naming The Grand Palace, na pinagsyutingan ng The King & I.

After eating, nakisayaw kami sa mga Iranians, Koreans, Chinese, at Japanese.

At maging si Mother Lily ay hindi nagpatalbog sa pag-dance, hanggang sa mag-dock na ang barko! Giling kung giling talaga ang ginawa niya, na ikinatuwa ng lahat.

Ang sarap magsayaw at maki-jam sa kapwa namin tourist, huh! The morning before our flight last Sunday, ratsada at naghabol na sa shopping ang karamihan.

Eksaktong 11:30 AM kasi ay check out na kami sa hotel, at kailangan na naming magpunta sa bagong Thailand airport.

Sa totoo lang, kulang ang apat na araw at tatlong gabing stay namin sa Bangkok! But worth it ang bawat gabing ipi­namalagi namin sa lugar ng elepante at masasarap na pagkain!

Tanong nga ng guide naming Thai na si Andrew, kung hindi kami natatakot pumunta sa Thailand dahil sa lumalabas na balitang patuloy ang rally at ilang gulo sa bansa niyala.

“We're here to enjoy! Never mind those rallies!” sagot namin.

Anyway, ang sarap talaga sa Bangkok! Salamat sa mga taong naging bahagi ng pagiging first timer namin sa Bangkok.

Source: Abante