Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mother Lily, magreretiro na sa showbiz?

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

HINDI ipagdaramot ni Mother Lily Monteverde ang pagti-turn over ng management ng Regal Films sa anak niyang si Roselle Monteverde Teo, kapag dumating ang panahon na kailangan na niyang magi-slow down.

“If it's for the benefit of my children, I will do it!” sabi ni Mother Lily na nanay na nanay talaga.

48-years nga na pinamahalaan ni Mother Lily ang Regal Films. At siyempre, magiging malungkot ang showbiz kapag dumating ang panahon na kailangan na niyang magretiro.

Pero, knowing Mother Lily, far from over pa ang pagreretiro niya sa mo­vie production. At her age, tutok pa rin siya sa lahat ng aspeto ng paggawa ng pelikula, lalo na sa publicity and promotions.

Aba, maging sa konsepto ng bawat project, hindi nauubusan ng kuwento ang Regal matriarch.

Eh, sa dalawang filmfest entries niya na Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X, naku, feel na feel namin ang passion niya sa marketing and promotions.

Palagi siyang present sa mga presscons. At palagi rin siyang tutok sa publicity, na ang palagi niyang instructions ay palaging isesentro sa positibo ang movie.

Still a long way to go for Regal Films and Mother Lily, of course. After ng holidays, ang co-production niya with GMA Films ng KC Concepcion and Richard Gutierrez movie ang nasa utak niya.

Although, mas lamang ang GMA Films sa konsepto at marketing ng KC-Richard movie, knowing Madera, hands on pa rin siyang tiyak sa pagbebenta ng project.

Ngayon pa lang nga, excited na si Mother sa KC-Richard movie.
***

Dumating na sa bansa si Vice Mayor Teri Onor mula sa pinagsamang trabaho at bakasyon sa Amerika. Naging bahagi si Teri ng show nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Los Angeles.

Dapat sana, kakanta at magpapatawa lang siya sa show gaya ng napag-usapan! Eh, nagkaroon ng mga gaps at lulls sa show, kaya sinalo ito ni Teri upang hindi mainip ang mga tao!

Ang ending, nagmistula siyang host ng show, huh! Which was to his advantage, dahil umani siya ng palakpak at papuri sa pagpapakuwela niya!
Sa kahusayan niyang ipinakita, na-impress tuloy si Mother Lily, at gusto siyang i-manage nito. At gusto siyang isama sa horror comedy na kinu-conceptualize ni Madera mismo, ang Mga Baklang Aswang! Ha! Ha! Ha!
Eh, paglapag ng eroplano ni Teri sa airport last Wednesday morning, diretso siya agad sa domestic airport palipad ng General Santos City upang mag-guest sa birthday show ni Manny Pacquaio!

From international to domestic ang drama talaga ni Vice Teri nu'ng Miyerkules, at pagdating niya the next day, rest lang siya ng ilang oras at nag-host naman ng Christmas party ng isang publication.

Now, it's back to normal (hopefully) kay Vice Teri. Unless salubungin naman siya ng holiday parties at soli­citations mula sa constituents niya sa Abucay, Bataan.

Siyanga pala, may special participation si Teri sa Ang Tanging Ina Niyong Lahat ni Ai Ai delas Alas bilang member ng cabinet ng komedyana.

Source: Abante