|
|
| Mother Lily, naglabas ng datung para kay Sharon!![]() Author: Jun Nardo BURADO na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa trilogy na ginagawa ngayon ng Golden Couple na sina Donna Villa at Carlo J. Caparas, under Golden Lion Films. Present kami nu'ng kinausap ng mag-asawa si Mother Lily sa Imperial Hotel para hiramin si Marian na contract star ng Regal. Hindi namin alam kung ano ang nangyari sa negosasyon until mabalitaan namin kay Lhar Santiago ng 24 Oras at Unang Hirit na si Manny Pacquiao na ang bida sa episode na Sa Ngalan Ng Busabos. Bukod sa Boxing Champ, magbibida rin sa mga episodes nila sina Eddie Garcia at Jake Cuenca. Nakapagsyuting na si Manny ng kanyang episode. Komo trilogy, tiyak na madali niya itong matatapos nang sa gayon, masimulan din niya ang festival film niya under Solar Films. Sa title pa lang ng movie ni Pacman, drama na ito. Pero sa isa sa mga shootings nila, naging true to life comedy ang nangyari dahil sa ginawa ni Gina Pareño na lumabas na nanay niya. Lasenggera kasi ang role ni Gina sa movie, na uminom nga ng gin at nalasing, nakatulog at nagsuka. Ngayong araw na ito ang syuting ni Sharon Cuneta sa Oh, My Girl (OMG)! nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid. Sa Taal, Batangas ang shooting ng megastar at isang manghuhula ang role niya. Eh, may nagkomento na baka lumabas na kamukha ng isang manghuhula si Shawie sa movie kaya naman give agad ng datung si Mother Lily sa produc- tion upang bumili ng costume ni Shawie. Take note na cash ang gibsung ni Madera at hindi tseke, huh! Aba, bihirang gawin 'yon ng Regal produ, huh! Kaya namangha ang lahat sa ginawa niyang 'yon. Kung hindi dahil kay Shawie, hindi maglalabas ng cash ang Regal producer! Ha! Ha! Ha! Speaking of Mother Lily, tikom ang bibig niya sa aktres na lalabas na anak ni Sharon sa Mano Po 6: My Mother. Humahaba kasi ang suggestions sa aktres na makakasama ni Shawie sa festival movie niya. Dati, sina Angel Locsin at Kim Chu ang pinagpipilian. Biglang pumasok sa utak ni Mother sina Carla Abellana, Marian Rivera at KC Concepcion. “The film is my story kaya ako ang pipili kung sino ang lalabas na daughter ko sa movie! Ayoko munang magsalita! Hayaan mo silang manghula! Ha! Ha! Ha!” sabi na lang ni Mother Lily. Nasilip namin ang listahan ng mahigit sampung pelikulang intended para sa 2009 Metro Manila Film Festival. Tatlo ang sa Regal Films - Mano Po 6 ni Sharon Cuneta, Nieves (ni Marian Rivera) at Shake, Rattle & Roll episode. Nasa list din ang Ang Panday ni Sen. Bong Revilla, 'yung movie ni Manny Pacquaio at Nicole ng Pussycat Dolls, 2,999 Love Story nina Marvin Agustin at Nikki Gil at isang bagong produksyon na hindi namin kilala ang bida. Walo ang official entries na kalahok sa festival at sa movies na aming nabanggit, malalaman na ninyo kung anu-ano ang tiyak na papasok, huh! Source: Abante |