|
|
| Movie ni KC with Piolo, John Lloyd malabong matuloyColumn: Dream Ngayong maliwanag nang sina Richard Gutierrez at KC Concepcion ang magkatambal sa unang peli-kula ng anak ng megastar at malamang na sila pa rin ang magkapareha sa Valentine's day offering naman ng GMA Films, wala na munang ma-gagawang pelikula si KC na hindi si Richard ang katambal. Parang imposible na-mang makasingit pa siya na gumawa ng ibang movie habang sinu-shoot nila ni Ri-chard ang kanilang first team-up. Kung gagawa man si KC ng isang pelikula na kasama ang ibang leading men, kai-langang pagkatapos na iyon ng movie niyang pang-Va-lentine's day Ibig ding sabihin noon, kailangang maghintay na rin muna ang inaasam-asam na pelikula ng kanyang tatay na si Gabby Concepcion na ma-kasama siya sa pelikula. Kailangang-kailangan pa naman ni Gabby ang ganoong project dahil sa ngayon ay makasisiguro lang siya na i sang malaking hit ang kanyang gagawin pelikula kung ang makakatambal niya ay si Sharon Cuneta, o kaya kahit man lang ang anak nilang si KC. Kung sa ibang artista mo lang isasama si Gabby, deli-kadong pumalpak siya. Hindi naman nag-rate nang napakataas ang pagla-bas niya sa tv. Ibig sabihin niyan, tama rin ang aming suspetsa na ka-hit na labintatlong taon si-yang nawala, hindi sapat na dahilan iyon para magkagu-lo ang mga tao sa kanyang pagbabalik, maliban na nga lang kung maili-link siyang muli kay Sharon. Eh, kaso nga, tumanggi agad si Sharon. Hindi namin masisisi si Shawie kung ayaw man ni-yang makasama sa pelikula si Gabby. Bagama't masasabi ngang totoo na noong nagsimula ng kanyang acting ca-reer ang megastar ay itinam-bal siya sa mas sikat noong si Gabby, hindi rin naman mai-kakaila ni Gabby na nabuhay pa nang matagal ang career ni Mega dahil na rin sa lakas ng batak nito sa mga fans. Bakit kaya hindi ang ga-wing proyekto ay isang remake noong nobela ni Mars Ravelo na Apat na Maria. Tapos bukod kay KC, ka-usapin din nila ang anak niya kay Grace Ibuna, kay Jenny Syquia at saka iyong anak niya ngayon para lumabas na mga anak din niya sa peli-kula. * * * Ibig sabihin din niyan, baka hindi na matuloy ang noon pa inaasam-asam ng iba na ma-itambal din si KC kay Piolo Pascual o kay John Lloyd Cruz. 'Yung John Lloyd, eh, mas ba-ta. Si Piolo, sa ti-ngin na-min ay masyado namang matanda para kay KC, at sa-ka tagilid ang kanyang career sa ngayon. Baka mahatak pa niyang pababa ang anak ng Megastar. * * * Sabi ng isa naming source, huwag na raw kaming magtaka sa naririnig naming kuwento tungkol sa isang male star na nagpapahala sa mga bakla basta nalasing na ito. Kahit naman daw hindi lasing ay talagang puma-patol ito sa mga bading. Doon nga raw sa isang subdividion na tinitrhan nito dati, kilalang-kilala si-ya ng mga bading na naka-tira malapit lang doon dahil lahat yata sila, eh, dumaan sa male star na ito. Source: Taliba |