Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mukha ni Ricky, dinaganan ng puwet ni Chokoleit!

Author: Ogie Diaz
Column: May Ganu'n?

LIND item: Ang bait naman ng isang guwapong young actor na ang tunay na ama ay nakakulong.

Hindi man niya ito nadadalaw sa bilibid bilang pagrespeto sa kinagisnang ama, hindi naman siya nagkukulang ng pagpapadala ng mga pangangailangan nito.

Nitong huli, naawa ang bagets sa amang nakakulong, dahil hindi ito kumportable sa higaan nito, kaya nagpadala siya ng matress.

Kung puwede nga lang daw magpadala siya ng bedroom showcase, eh.

’Pag humirit naman ang ama ng gustong kainin, may uutusan lang ang young actor at maya-maya, nasa ama na ito.

Sabi nga namin sa young actor, kalugud-lugod kay God ang kanyang ginagawa, kaya ’wag siyang magsasawa sa pagkalinga sa ama.

After all, kaya nga siya blessed ni Lord ay dahil siya’y “M,” as in, mapagmahal siyang anak sa dalawa niyang ama.

* * *

“No dull moment” ang performance ni Gary Valenciano sa katatapos lang na two successful nights sa Araneta Coliseum nu’ng Nov. 14-15.

Kung ide-describe sa isang salita ang performance at ang gabing ’yon ng Gary V Live at 25 ay “hanep,” “hayup,” “bongga,” “grabe,” “superb. ”

Juice ko, kadalasan, ’pag nanonood kami ng concert, naghihintay kami ng eksena na alam naming maiinip lang kami, du’n kami kumukuha ng tiyempo para makaihi kami.

Pero itong kay Gary V. ? Wa ek, hindi kami tumayo para umihi.

Noon lang kami nakapanood ng concert na all throughout, nasa stage ang bida kahit may mga guest.

Ibang klase ang direction ni Rowell Santiago. Ang pinakapahinga lang ni Gary ay madaliang bihis at kapag kumakanta lang ang kanyang guest sa kanilang duet number.

“You know what, Ogie?” tsika pa ng “bayani” sa buhay ni Gary V, ang kanyang wife na si Angeli Pangilinan, “Gary cried this morning because wala talaga siyang boses. Pa’no na raw mamaya? Sobrang namroblema siya.

“Alam mo, kahit nate-tense na rin ako, hindi ko ipinahalata kay Gary, dahil lalo lang ’yang magwo-worry, eh.

“Kaya I told him, ‘Hon, don’t worry. God is good!’ Pero kahit sinabi ko pa ’yon kay Gary, parang hindi pa rin siya convinced, eh.

“Kaya I told him, ‘Hon, did God ever fail you?’ Do’n lang siya natauhan na parang naisip niya, oo nga, ’no? Kaya tingnan mo, hindi halata sa performance niya na nawalan siya ng boses this morning.

“Kaya kasalanan ba, Ogie, kung magpasalamat siya nang magpasalamat kay Lord?”

* * *

“Alam mo naman ’yon, mare, na hindi ko sinasadya, ’di ba?” ’yan ang parang humihingi ng “abogado” na pahayag ni Chokoleit nu’ng makausap namin.

Ikinuwento namin sa kanya ’yung isyung nagalit sa kanya si Ricky Davao dahil sa last scene na kinunan sa filmfest entry ng OctoArts Films, ’yung One Night Only, kung saan labu-labo na ang eksena.

Kinunan ang last scene sa isang motel kung saan ang ilang cast (Paolo Contis, Diana Zubiri, Jon Avila, Valerie Concepcion, Manilyn Reynes, Empoy, Jayson Gainza, Bentong at yours truly), doon lang nagkita-kita sa hallway ng motel.

Ang congressman na si Ricky, namatay nang dilat sa kaligayahan matapos itong atakehin sa puso bago pa sila magtalik ni Katrina Halili.

Nahulog ang bangkay mula sa compartment ng sasakyan, kaya nahulog ang bangkay ng karakter ni Ricky.

Ang shot ay galing sa taas. Pa-zoom-in hanggang sa ma-focus ito sa mukha ni Ricky habang nagkakagulo sa paligid.

Eh, ang Chokoleit, sinugod, pinaghahampas at pinagsasabunutan ang gumanap na kapatid naming si Empoy.

Nu’ng halos kaladkarin ni Chokoleit si Empoy, ’di sinasadyang napaupo ito sa mukha ng bangkay na si Ricky, kaya gustuhin mang umaray o gantihan ng sapak ng aktor ang komedyante, ’di puwedeng masira ang shot, kaya all smiles pa rin siya sa kamera.

“Nag-sorry ako, mare. Hindi ko sinasadya ’yon!”

Hay, naku, panoorin n’yo na lang ’yung movie sa Pasko kung sinadya ba talaga ’yon ni Chokoleit o hindi.

Pero nu’ng dina-dub namin ’yon, napapamura kami, dahil ’yung puwet talaga ni Chokoleit, nadaganan ang mukha ni Ricky.

* * *

Kung type n’yo ng juicy blind items o showbiz tsika, just text us, type Ogie On at i-send sa 2366, okay?

Source: People's Tonight