|
|
| Mura, ibinuking ang panlalalaki ni MahalAuthor: Lito Mañago UNANG nakilala si Mura sa ABS-CBN sa now defunct noontime show na Magandang Tanghali, Bayan kung saan nakasama pa niya sa programa ang isa pang bulilit star na si Mahal. Pagkaraang magsara ang programa, nalipat naman siya sa GMA Network kung saan umapir siya sa mga programang Majika, Super Twins, Mga Mata ni Anghelita at Magic Kamison. Pero kahit napapadalas ang TV appearance niya sa Kapuso Network, wala raw siyang tampo sa istasyong nagbigay sa kanya ng break sa telebisyon. Sabi ni Mura, naghihintay lang siya ng project sa ABS-CBN. Hindi rin daw siya apektado sa network war ng dalawang TV giants. Sa katunayan, may sisimulan na naman siyang project sa GMA, ito 'yung Tasya Fantasya na pagbibidahan nina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo. Katatapos lang niya ng Supah Papalicious (a Black Saturday presentation ng Star Cinema) with Vhong Navarro, Makisig Morales, Kit Kat at Valerie Concepcion at mula sa direksyon ni Gilbert Perez. Laking pasasalamat nga raw niya kay Vhong na muli siyang isinama nito sa pelikula. Kung very active si Mura sa showbiz, tila nawawala naman sa eksena si Mahal. Sa presscon nga ng Supah Papalicious, hinanap namin si Mahal sa kanya. Sabi lang ng bulilit aktor, maging siya ay hindi niya alam kung nasaan ito pero may communications naman daw sila sa pa-mamagitan ng SMS o text messaging. "Actually, hinahanapan ko rin nga siya ng project," sambit ni Mura. "Gusto ko rin siyang makasama. Kasi naaawa ako sa kanya. 'Yung tatay niya na-stroke," at ikinuwento nito sa amin na minsan nga nga raw ay walang pera si Mahal at sa kanya pa nanghihingi ng pang-load. " May ibinuko sa amin si Mura tungkol kay Mahal. "Eh, kilala ko si Mahal. Mahilig sa lalaki. Basta sa lalaki, mabilis siyang ma-in-love. Kumbaga, nakakalimutan niya ang lahat pagdating sa lalaki," pagtatapat ni Mura sa amin. Thirty two years old na si Mura ngayon at minsan na rin daw siyang na-in-love sa isang normal na babae. "Nagka-girlfriend na rin ako dati nu'ng 17 years old ako. Bata pa ako kaya medyo wala pa akong alam. Pero namatay siya nu'ng 18 years old siya. Blue baby kasi. Nalungkot ako. Mula nu'n, hindi na ako nagkaroon ulit ng grirlfriend. " Hanggang ngayon, aminado si Mura na crush pa rin niya si Angel Locsin. Kaya tuwang-tuwa raw ang binata nang makasama si Angel sa Majika ng GMA. "Super-bait niya," sambit niya. "Nu'ng makasama ko siya, tuwang-tuwa ako. Sabi ko kay Angel, dati napapanood lang kita, ngayon nakasama pa kita. Sana lang makatrabaho ko ulit siya. " * * * THERE'S no stopping Robin Padilla na gawin ang mga death-defying scenes sa TV series na Joaquin Bordado ng GMA Network. Basta't sa ikagaganda at magiging makatotoha-nan ang mga eksena, handang itaya ni Robin ang kanyang buhay. Ayaw na ayaw ng leading man ni Iza Calzado na dayain ang TV audience kung kaya't ginagawa niya ang mga dangerous at unsafe stunts sa pinagbibidahan niyang serye. Kahit tutol ang management at production staff na gawin ni Robin ito pero wala silang magawa dahil mismong ang action star ang may gusto nito. Binoe doesn't want a double kung kaya't laging may nakaabang na ambulance or paramedics sa set ng top-rating TV series in case may aksidenteng maganap. Ayaw talagang magpaawat ni Robin sa paggawa ng makapigil-hiningang eksena. Tulad ng nangyari sa kanya lately sa Subic Bay International Airport. Sa unang pagkakataon, nakipagbuno si Robin sa mga buhay at mababangis na hayop tulad ng sawa at tigre. Aminado nga siyang isa raw ito sa pinaka-delikadong stunts na ginawa niya. "Nung medyo nasaktan 'yung ahas, nilingkis talaga ako. Sumakit ang likod ko. 'Yung mga hayop ay may sariling mentalidad 'yan at hindi natin puwedeng makontrol 'yon. Hindi natin puwedeng awatin," kuwento niya. Pero gaya ng mga ginawa niyang mga action scene, hindi maiwasan ang aksidente. Sa isang eksena naman, nahuli sa timing ang pagbukas ng gate kaya bigla siyang napapreno at na-out-of-balance. Dahil sa motor accident, nagtamo ng galos si Robin sa kanyang kanang kamay. "Yung aksidente, parte na 'yan eh. Madali na 'yan sa amin kasi paulit-ulit na na-ming ginagawa 'yan. Huwag silang mag-alala. 'Yun nga lang may mga pagkakamali pero 'yung mga maliliit na aksidenteng 'yun, hindi naman buhay nang katumbas nito," paninigurado pa ng aktor. Ang Joaquin Bordado ay napapanood weeknights sa Telebabad Block ng GMA pagkatapos ng 24 Oras nina Mel Tiangco, Pia Guanio at Mike Enriquez. * * * For comments, e-mail us at whalesharkph@gmail. com Source: Taliba |