|
|
| Myles Hernandez all-out sa Kamasutra 2Author: Dinno Erece GRABE ang pagka-all-out ni Myles Hernandez sa Pinoy Kamasutra 2. Got an advanced copy of Pinoy Kamasutra 2 ng Viva Video, na release na ngayon, at mabibili sa video stores na-tionwide at P199 ang VCD and P299 naman kung ang bibilhin n'yo ay DVD. Pinagkaguluhan ng mga DOTA boys ng Station 168 ang PC namin while we were reviewing it and everyone was requesting sa kanila na lang daw 'yung kopya namin, so we told them bumili sila. Mula sa first scene ni Myles with Chester Nollado hanggang sa last scene na three-some nina Myles, Harry Laurel and Sachie Sanders wala nang itinago ang Viva Hot Babes. This is a lot hotter than the first Pinoy Kamasutra noon starring Katya Santos. * * * Valerie Concepcion is the first face of Slenda. May bagong kalaban na si Judy Ann Santos sa pagpapa-slim, si Valerie. She signed an 18-month contract with Slenda na may resveratrol at ma-bibili na ngayon in all leading drugstores nationwide. Kung si Juday ay dating malusog na sumeksi, si Valerie naman, dalagang ina na nagmukhang teenager muli ang katawan. Napanood din ni Valerie ang Oprah show noon na pi-nupuri ang resveratrol, an active substance found in red wine, so nang nalaman niya na ito rin ang main component ng Slenda, she tried it for about a month. Nine pounds ang nawala agad sa kanya, so she happily signed up. Slenda also has EGCG, Banaba and Turmeric, all natural components to help fight obesity. * * * PAREHONG second episode today ang ABS shows na As-tigs and Got 2B Fit Challenge. Pupunta ang barkada sa beach sponsored ng mommy ni Epi (Enchong Dee). Wala pa ring nakaaalam na split na sina Epi at Janine (Megan Young) kaya nagpasya ang mommy ni Epi na mag-treat sa buong barkada. Excited ang lahat maliban kina Janine at Epi. Mamaya naman sa Del Monte Fit 'n Right Got 2B Fit Challenge 2008 at 9:30 p. m. , magkakatanggalan na ng da-lawang challengers, isang boy and isang girl. Kung kailan pa naman sila nagiging close na sa isa't isa sa kanilang boot camp sa Batangas, saka may possibility na maghiwalay sila. We're talking of challen-gers Elmer and Angel na nag-kakaibigan na raw at laging holding hands. Both shows have heavy help from ABS-CBN Star Magic of course. * * * AYAN, magkaka-show ulit si Regine Velasquez sa GMA-7 dahil nag-last taping day na ang Kakasa Ka Ba Sa Grade 5. We really don't know why the Songbird is saying she's jobless when everyone knows naman that the second season of Celebrity Duets nila ni Ogie Alcasid will replace the first season of the game show of Janno Gibbs na part ng Sabado Star Power. Nag-last taping na nga ang Kakasa although marami pa namang nakaimbak na episodes, pero siyempre, magpi-prepare na ang Celebrity Duets II. Tonight, isang Citizenship Examiner ng isang embassy ang magtatangkang maiuwi ang isang milyong piso, si Catherine May Sun, 35 years old at may dalawang anak. Aminadong mahilig sumali sa iba-ibang game shows no-on kaya palagay ang kanyang loob sa pagkasa sa sampung katanungan para sa kanya. The second challenger is another game show addict, ang 33-year-old Bicolano from Iriga na si Arnold Centeno Orlaen. Teka, magtapos kaya ang Kakasa ng may nakakakuha sa one million peso question? Source: Taliba |