Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Myles, na-challenge sa pakikipaghalikan sa kapwa babae!

Myles, na-challenge sa pakikipaghalikan sa kapwa babae!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

MASYADONG mapangahas ang mga sex scene sa Pinoy Kamasutra 2 na tinatampukan ni Myles Hernandez. At dahil sa dami ng mga mapangahas na eksena, nalimutan ni Myles na mga baso at hindi pinggan ang hinugasan niya sa sex scene nila ng Provoq member na si Niko Arellano.

Sa presscon ng Pinoy Kamasutra 2, ikinuwento ni Myles na mga pinggan ang kanyang hinuga­san habang nakatuwad siya sa lababo pero nang panoorin namin ang instructional DVD, baso ang hinuhugasan niya.

Mapapanood sa DVD ang mga behind-the-scene ng Pinoy Kamasutra 2.

Napangiti kami sa pahayag ni Myles na “very challenging” ang mga eksena na ginawa niya dahil parang nanalo ng acting award ang reaksyon ng kanyang mukha.

Ang pakikipaghalikan sa kapwa babae ang isa sa mga eksena sa Pinoy Kamasutra 2 na itinuturing ni Myles na “very challenging.”
***

Starring din sa Pinoy Kamasutra 2 ang Viva Hot Babe na si Hazel Cabrera, ang sexy star na nagtangka na magpakamatay noon dahil naghiwalay sila ng kanyang boyfriend.

Sa pakikipagkuwentuhan namin kay Hazel, sumumpa ito na hindi na niya susubukan na magpakamatay nang dahil sa pag-ibig.

Nagkabalikan sila ng lalake na ugat ng kanyang attempted suicide pero muli silang nagkahiwalay pagkalipas ng apat na buwan.

Nagtatrabaho sa Ca­nada ang bagong inspirasyon ni Hazel. Plano ni Hazel na mag-quit sa showbiz para sundan sa Canada ang lalake.

Kasama sa balak ni Hazel na mag-enroll sa caregiving course dahil ang maging caregiver sa Canada ang naiisip niya kung sakaling magdesis­yon siya na iwanan ang showbiz.

Matindi rin ang eksena ni Hazel sa Pinoy Kamasutra 2. Dahil yata sa tindi ng mga eksena, hindi niya matandaan ang pangalan ng kanyang kapareha.
***

Patas na si Iwa Moto at ang sexy starlet na si Sachie Sanders. Patas dahil inagaw man ni Iwa ang kanyang boyfriend, umaani ngayon ng lib­reng publicity si Sachie dahil sa isyu.

“I hate her,” ang walang pakundagan na pahayag ni Sachie laban kay Iwa dahil sinulot daw nito ang kanyang live-in partner for three years.

Mickey Ablan ang pangalan ng boyfriend ni Sachie at Mickey ang pangalan na nakita na naka-tattoo sa isang bahagi ng katawan ni Iwa.

Magkahawig sina Iwa at Sachie. Pareho sila na Inglesera. Kayang-kaya ni Sachie na tapatan si Iwa, lalo na nga­yon na galit na galit siya sa diumano'y pang-aagaw ni Iwa sa kanyang boyfriend na apo ng isang congressman.
***

Ang Monday to Friday participation ni Valerie Concepcion sa Wowowee ang sinabi niyang dahilan kaya malaki ang improvement ng kanyang pagsasalita, pananamit at personalidad.

Mula nang maging co-host siya ng nasabing show, nadagdagan din ang self-confidence ni Valerie at napansin ito ng manufacturer ng Slenda, ang herbal dietary supplement.

Self-confessed user si Valerie ng Slenda mula nang mapanood niya sa show ni Oprah Winfrey ang magandang epekto sa katawan ng resveratrol, ang active ingredient ng nabanggit na diet pill.

Ang resveratrol ang sinasabing dahilan ng French Paradox o mababang insidente ng obesity at sakit sa puso ng French people kahit kumakain sila ng mga fatty food.

Nakukuha ang resvetarol mula sa red wine na madalas na iniinom ng mga French habang kumakain sila.

Para sa additio­nal information tungkol sa Slen­da, maaaring tumawag sa Slenda hotline (09209192929) o bisitahin ang kanilang website sa www.gonatural.com.ph at www.slenda.ph.
***


Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

Source: Abante