|
|
| NADINE SAMONTE, BUBOT!![]() Author: Ruel Mendoza ISA si Nadine Samonte sa agad na bumili ng FHM cover ni Cristine Reyes. At agad din siyang nag-text kay Cristine para sabihin na ang sexy-sexy nito sa cover. Isa nga sa close friends ni Nadine si Cristine kaya noong mag-decide itong magpa-sexy ay isa si Nadine sa hiningan ng payo ng nakababatang kapatid ni Ara Mina. "Worried siya noong bago siya i-pictorial. Para nga raw gusto niyang mag-backout. Pero sinabi ko naman sa kanya na kung magiging mas maganda ang kalalabasan, ituloy niya. Alam ko naman na kaya niya at talagang pagkakaguluhan ang FHM cover niya. "Kaya noong malaman ko na mabenta siya, natuwa ako for Cristine kasi she deserves it. Matagal na siyang inabangan ng FHM kaya worth ang paghihintay nila sa kanya," say ni Nadine. Kelan naman kaya magpapa-sexy sa pictorial si Nadine? "Ay naku, hindi ko pa kaya kasi bubot pa ako! Ha! Ha! Ha! Ha!" malakas na tawa ni Nadine. "Wala ako nang anumang meron sina Katrina (Halili) at Cristine. Parang nakakahiya naman! Ha! Ha! Ha!� Ha!" Pero marami ang nagsasabing puwede na si Nadine, lalo na�t pumayat ito at mas tumangkad pa. Ang outfit nga niya sa Super Twins ay nagpapakita kung gaano na kaganda ang kurba ng katawan niya.� Source: Abante |