|
|
| NAKA-RECOVERAuthor: Ogie Diaz IN fairness, sa bahay niya nag-spend ng pagsalubong ng Bagong Taon si Ai-Ai de las Alas. "May mga bisita kasi ako, eh. Pero pagkatapos ng putukan, balik-Arlington na ang byuti ko para sa tatay ko. " Madaling naka-recover si Ai-Ai sa pagyao ng kanyang mahal na amang si Mang Rosendo. "'Day, 88 na ang fadir, choosy ka pa ba? Hindi na, 'di ba? Sa panahon ngayon, para mabuhay ka sa ganyang edad, suwerte na ang fadir ko, 'di ba?" Na-cardiac arrest ang tatay niya. Kalalabas lang sa ospital, kumain, nabusog at 'yun na, inapuntahan ng cardiac arrest. "Buti nga, hindi na siya nahirapan pa, eh!" Natatandaan pa namin ang kuwento noon ni Ai-Ai na ipinaampon siya ng kanyang ama sa kapatid nitong auntie niya. Nagtampo siya nang konti, "Pero sa pagdaraan ng mga taon, nawala na 'yon. "Despite that, ang lola mo pa rin, mare, ang umako sa lahat ng gastusin. Pero carry lang, tatay ko 'yan, 'no!" Sabi nga namin kay Ai-Ai, "At least, bago naipikit ng tatay mo ang mga mata niya, alam niyang ikaw pa rin ang gumawa ng paraan para madugtungan ang buhay niya!" * * * EWAN kung na-shoot na 'yung dagdag na eksena sa Tayong Dalawa kung saan kukunan sina Jake Cuenca at Gerald Anderson habang naliligo nang hubo kasama ang mga kadete. Pumayag na raw ang dalawa, dahil malaki naman ang tiwala nila sa direktor nilang si Ruel Bayani na it will be done in good taste. "At take note, okay lang na makita ang puwet nila pareho, ha?" sey ng aming source. Kukunan na sana ang naturang eksena sa quarters ng mga kadete sa Baguio, ang kaso, nalokah daw itong si Direk Ruel dahil walang tubig. 'Yun pala, noon lang nila nalaman na ang Baguio City pala ay merong water conservation program na tinatawag. At ang PMA ay sumusuporta rin sa naturang programa, kaya ang tubig ay nagbubukas lang sa oras ng paliligo ng mga bagets. Eh, kukunan ang eksenang pinaiiral ang WCP, kaya hindi nga nakunan ang scene. "Juice ko, willing magpaka-daring sina Jake at Gerald, sila mismo, nanghinayang sa eksena, kaya ayun, kukunan pa rin ang eksena, itataon lang kung kelan may tubig na ang gripo nila!" Eh, ang tanong: Kung ipapakita ang puwet nina Jake at Gerald, pumayag naman kaya ang MTRCB? Naku, huh! Ang mga bading, tiyak na aabangan ang eksenang 'yan. 'Yan ay kung hindi magiging "KJ" ang MTRCB. Ayaw ni Chairman Laguardia ng ganyan. * * * NAPANOOD pala namin ang Desperadas 2 kasama ang ilang kaibigang bading. Curious kaming lahat na makita si Ogie Alcasid na gumanap na babae. Honestly, hindi namin sasabihing pangit at hindi rin namin sasabihing maganda ang pelikula. Kanya-kanya namang taste 'yan, eh. Bago nga namin ito isulat, nagtanong pa muna kami sa ibang kaibigang nakapanood. Ang akala namin, kami lang ang nag-iisa sa aming opinyon. Nagkakaisa pala kaming lahat sa iisang opinyon...Na ang Desperadas 2 ay. .. naku, 'wag na nga muna ngayon. Basta ang masasabi lang namin, mas nakakatawa siguro ang pelikula kung nandu'n si Eugene Domingo. Pero kung 'yung mga nakapanood naman ay nagandahan at taliwas sa aming opinyon, ang amin pong paghingi ng sorry. * * * KAY Ai-Ai na rin nanggaling, "Alam mo, maganda raw ang One Night Only. Nagkuwentuhan kami ni Ama (manager niya, si Boy Abunda), sobrang puring-puri niya 'yung pelikulang 'yon. "Ang galing-galing daw ng istorya ni Direk Joey Reyes. Tawa raw siya nang tawa sa movie! Si Ama pa ba ang magsisinungaling sa akin? Ang galing daw ng pagkakakabit-kabit ng mga character!" Sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Jennylyn Mercado, Alessandra de Rossi at Valerie Concepcion ang mga bidang babae sa movie. May mga nagte-text din sa amin, aliw na aliw sila sa movie. Source: People's Tonight |