Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

NAKUNAN!

Author: Ogie Diaz

BLIND item: Inamin pala ng isang TV host sa isang interview na kumikita siya ng P600,000 a day sa kanyang show.

Kasama na ru'n 'yung kanyang talent fee, endorsements on air at kung anik-anik pa.

Ang taray, 'no?

Dapat mag-hire ng maraming bodyguard ang TV host para sa kanyang safety and security.

* * *

NAKAKAALIW ang Masquerade na hino-host nina Ariel at Maverick.
Nakakawala ng antok kahit gabing-gabi na.

Pero lilinawin lang namin na 'yung featured videos ang nakakatuwa, ha?

Para siguro nakakatuwa ring panoorin sina Ariel at Maverick, eh, 'wag na lang silang magse-shades para tumawa naman ang mga tao paminsan-minsan.

* * *

ANO, sina Uma Khouny at Katherine de Castro na?

'Yan ang aming natanggap na tsika.

But since textmates naman kami nitong si Kat, inalam namin sa kanya kung sila pa rin ba ng dyowa niya.

"Oo naman. Hindi kami hiwalay. Hahaha! Bakit?"

Ah, good. Kasi may lumalalabas na sila na ni Uma, eh.

"Nakakatawa 'yung thought na kami ni Uma. Kasi we fight like cats and dogs minsan. And para lang kaming magkapatid. "

O, ayan, malinaw na, ha?

* * *

JUICE ko, kinongratyuleyt pa naman namin noon ang Viva Hot Babe na si Ella V. , dahil isa na siyang ina.

Naudlot pala 'yon!

Ayon kay Katya Santos, "Dalawang beses nang nakunan si Ella.

"'Yung isa, nu'ng nandito siya. 'Yung second, nu'ng nasa U. S. na sila ng doctor husband niyang si Shane.

"Sobrang depressed nga si Ella, eh. Gusto na talaga niyang magkaanak, kaso, lagi siyang nakukunan. "

* * *

NAKU, kahit nga si Marissa Sanchez, nagpa-artificial insemination, eh.
Sobrang pray siya nang pray na sana, mabuo na.

Sinabihan pa siya ng OB-gyne niya na ipanalanging sa Nov. 19 ay maganda ang resulta ng kanyang ultrasound.

Sa kasamaang-palad, hindi pinalad ang mag-asawang Marissa at Ian Nava, dahil hindi nabuo ang pinagkagastusan pa naman nila nang malaki.

Pero natanggap naman ni Marissa ang katotohanan.

"Siguro nga, ayaw pa ni Lord o ibibigay din Niya in time ang dream ko to become a mom!"

Diabetic din kasi si Marissa, kaya nahihirapan siyang magbuntis.

* * *

KAPAG nanonood kami ng Wowowee kung minsan, ngumingiwi kami, dahil sa tining ng boses ni Valerie Concepcion kapag nagsasalita nang malakas sa mic.

Sa presscon naman ng filmfest entry ng OctoArts, ang One Night Only, wala nang ginawa si Valerie kundi bumungisngis nang bumungisngis.

Ututin kaya 'tong si Valerie?

* * *

KAUSAP namin two days ago si Tiya Pusit, ang dami raw nagtatawagan sa kanya to pledge support for the fund-raising show na binuo namin para mapaopera ang kanyang mga mata, kasama ang Wowanians sa Zirkoh Timog on Nov. 29, 9 p. m. , kung saan back-to-back show ito nina Toni Gonzaga at Richard Poon kasama ang PBB Teens na sina Ejay, Josef, Nicole at Robi with Vice Ganda.

"Nakakatuwa, meron pang nagbigay ng ibang klaseng juice. Inumin ko raw para makatulong sa problema ko sa mata," kuwento pa ni Tiya Pusit.

Five hundred pesos lang po ang ticket at maaari kayong tumawag sa 0922-9289564 o 'di kaya ay sa 0922-8398878.

Source: People's Tonight