Mar 19
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

NANCY, MALANDI?

NANCY, MALANDI?

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

NASAKTAN si Nancy Castiglione sa akusasyon ng iba na malandi siya at parang damit lang kung magpalit ng boyfriend. Inisa-isa nga ang mga lalake na nakarelasyon ni Nancy, na siyang ginamit na basehan para akusahan siyang malandi.

Nandiyan nga sina Luis Manzano, Paolo Contis, Bullet Jalosjos, at Brad Turvey.

"Hindi ako malandi!" madiing pahayag ni Nancy.

"Open lang ako sa lovelife ko. I�m not bragging it, pero kasi kapag natatanong ako, hindi ko ugali �yung mag-deny o magtago.

"Mas okey na `yung ganito, na hindi tulad ng iba na conservative raw, pero playgirl talaga. Kumbaga, tahimik lang sila, pero marami rin silang lovers.

"Ako kasi, sinasabi ko lang ang totoo. And please, hindi naman ako nagsasabay-sabay ng mga boyfriends.

"It�s unfair na tawagin nila akong malandi!" emosyunal na pahayag ni Nancy.

Sa ngayon, wala raw siyang boyfriend. Pero, aminado siya na nakikipag-date na siya.

"Hindi naman ako naghahanap ng date. When somebody asked me for a date, at kung hindi naman ako busy, at kilala ko na rin `yung guy, sumasama ako.

"But I�m not actually looking for a new boyfriend."

Kuwento pa rin ni Nancy, karamihan daw sa mga ex-boyfriends niya ay nagiging kaibigan niya, maliban lang kay Paolo. Inamin ni Nancy na engaged na sila ni Paolo bago sila nagkahiwalay.

Sabi ni Nancy, naramdaman daw niya na hindi pa siya handa na magkaroon ng pamilya o mag-asawa.

"We�re engaged before kami nag-break. Twenty two years old ako at 21 lang si Paolo. Mas matanda ako ng isang taon sa kanya.

"Naisip ko na parang hindi tama. Kahit engaged na kami, may ibang bagay pa rin kami na gustong marating. Paano kung kasal na kami o may anak na kami, matutupad pa ba namin `yung mga pangarap namin?

"Ang alam ko, okey kami ni Paolo nung mag-break kami. Pero, hindi lang kami naging close. Hindi ko na alam ang number niya kaya hindi na kami nakapag-usap.

"Pero in fairness kay Paolo, sa lahat ng nanligaw sa akin, siya ang pinakamagaling manligaw. Mabait siya.

Kasama nga pala si Nancy sa pelikulang Signos.

Source: Abante