Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

NEXT LEVEL

Author: Vinia Vivar

AYON kay Jomari Yllana, sa rami ng ginagawa nila together ni Pops Fernandez, hindi pa nila napag-uusapan ang kasal.

“Lagi kaming may ginagawa together, tapos ang dami-rami pa naming gustong gawin,” say ni Jom nang makatsikahan namin sa birthday party ng katotong Pilar Mateo.

Three years na raw ang relasyon nila ni Pops at magkasundung-magkasundo sila sa halos lahat ng bagay. Pero, hindi pa nila napag-uusapan ang kasal.

Sa tingin ba niya, darating din ang kasal?

“Oo,” sagot niya.

Baka naman kasi hinihintay lang siya ni Pops na mag-propose?

“Well, tingnan natin. Kasi, ang dami pa naming gustong gawin, eh. Para sa pamilya, ganyan. ’Yung anak ko, basta ’yun naman muna ang priority, ’yung mga anak-anak namin,” he said.

So, ano na ang next level?

“Next year, may pinaplano kami, abangan na lang ninyo,” say pa niya.

Naitanong din namin kay Jom kung hindi ba siya na-bother sa pagkaka-link ni Pops kay Gabby Concepcion at say niya, hindi, dahil alam niya kung saan nagsimula ’yon.

“Medyo nadamay lang din siya kay Gabby. Si Gabby, ang dami lang niyang problema, ang dami lang niyang ’di pagkakaunawaan sa maraming tao, so, maraming tao ang nadaramay.

“Pero sa akin, walang problema ’yon. Nu’ng namatay ang dad niya, isa kami sa mga huling dumalaw,” sabi pa ni Jom.

* * *

SA presscon ni Gary Valenciano for his anniversary concert, Live at 25, na gaganapin sa Araneta Coliseum on Nov. 14 and 15, nilinaw ni Mr. Pure Energy ang isyung masama ang loob niya kay Martin Nievera sa pagkaka-revive nito ng kantang Pasko na Sinta Ko.

“You know, in all honesty, Pasko na Sinta Ko is not my song. I did not write it, somebody else did. I just interpreted it years and years ago. It doesn’t matter,” paglilinaw ni Gary V.

Siya nga raw mismo ang nakarinig ng bersyon ni Martin nang kantahin nito ang nasabing awitin sa ASAP ’08 at aminado si Gary na na-shock siya nang marinig ito.

“Yeah, I said ‘Wow, there’s a beat to it now,’” aniya.

May nag-comment na mas malungkot ang bersyon niya at umayon naman si Gary. He recalled na talagang in-arrange pa ni Louie Ocampo ang awit na ’yon for him.

“It was a very emotional time for all of us at that time. You cannot compare the feeling and the emotion that was put into that song at that time,” say pa ni Mr. Pure Energy.

* * *

NGAYONG gabi (Saturday, October 18) na maghaharap sina Jed Madela at Richard Poon sa isang showdown concert sa Zirkoh, Timog titled Oktoberbest.

Bukod kay Jed, haharapin din ni Richard si Valerie Concepcion, na kasama rin sa show, matapos ang kontrobersiya sa pagitan nila last week kung saan ay inamin ng dalaga na crush niya ang singer pero naloka nang ang sabihing crush ni Richard ay si Sarah Geronimo.

Totohanin kaya ni Richard ang tsismis na haharanahin niya si Valerie sa show?
May bonggang number din ang TV host na si Mariel Rodriguez in her first show as a performer. Excited at talagang pinaghandaan niya ang kanyang spot number na ’di dapat ma-miss.

For the first time, mabibigyan katuparan na rin ang long-time dream ni Mariel na makakanta sa isang konsiyerto.

Siyempre, hindi naman patatalbog si K Brosas kung hiritan at biritan din lang ang pag-uusapan. Tiyak na makabasag-salamin na naman ang kanyang mga inihandang number.

Kay Jed naman, may clamor na kantahin niya ang napakahirap na awiting Nessun Dorma na nang inawit niya sa Italy recently, binigyan siya ng standing ovation at hindi pa namin alam kung pagbibigyan niya ang request.

Handog ng Lucida DS at sa pakikipagtulungan ng mga sponsor na Globe Asiatique at Aficianado ang Oktoberbest.

Source: People's Tonight