Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

NUDE PICTURE NI BAGUHANG AKTOR, TOTOO!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

IPINAGDARASAL ng isang baguhang aktor na huwag silang magkita ng tao na pinagbibintangan niya na nagkalat ng kanyang nude picture, dahil sigurado raw na gaganti siya.

Inamin ng newcomer na totoo at hindi fake ang nude picture niya na pinagpapasa-pasahan sa mga cellphone.

Hindi raw niya naramdaman nang hubarin ng suspect ang kanyang suot na shorts at kunan siya ng litrato.

Kahit inaamin ng aktor na authentic ang picture, pinagdududahan ang motibo ng pagkalat ng litrato at ang kanyang claim.

Lasing ba ang aktor kaya hindi nito naramdaman ang ginawa sa kanya, o nag-iingay lamang siya para mapag-usapan ang launching movie niya na coming soon sa mga sinehan?

***

Ipinakita ang trailer ng Rendition sa special presscon noon para sa Golden Compass ng New Line Cinema. Sa trailer pa lang, nagkaroon na kami ng interes na panoorin ang pelikula na pinagbibidahan nina Meryl Streep, Jake Gyllenhaal at Reese Witherspoon.

Pinanood namin noong Miyerkules ang Rendition at hindi kami nagkamali, dahil nagustuhan namin ang pelikula.

Patas na patas ang role ng mga bida, dahil lahat sila ay binigyan ng "moment" para lumutang ang kanilang husay sa pag-arte.

Simple ang kuwento ng Rendition, pero hindi kami nainip sa panonood. Wala itong ipinagkaiba sa Crash, ang critically-acclaimed movie noon nina Sandra Bullock, Ryan Philippe et al.

Sa tunay na buhay, may relasyon sina Reese at Jake pero wala silang eksena na magkasama sa Rendition.

***

Miyerkules ng gabi nang makatanggap kami ng text message tungkol sa box-office success ng Hide & Seek, ang Halloween presentation ng Regal Entertainment Inc.

Ito ang message na ipinarating sa amin: Hide & Seek opens with P4M�first day at the box-office.

Jennica and Mart successful in their launching film. Kudos to Eric Quizon, Jean Garcia, Alessandra de Rossi, Ryan Eigenmann, Rubi Rubi and others.

Congrats too to Direk Rahyan Carlos and writer Gina Tagasa. Thank you very much for all your support.

***

Sina Eva Papaya, Ate Glow at Ate Gay ang mga contestant mamaya sa Whammy: Push Your Luck!

Ang tatlo ang unang naglaro sa 1M edition ng popular game show nina Paolo Bediones at Rufa Mae Quinto.

Tanging si Ate Gay ang umuwing luhaan, dahil naging biktima siya ng Whammy Whambam. Umabot naman sa P200,000 ang napanalunan ni Ate Glow.

***

Headline ng mga late evening news program ang pagdalaw ni former President Joseph Estrada sa puntod ni Fernando Poe, Jr. sa Manila North Cemetery.

Pinagkaguluhan si Erap ng mga tao na naabutan niya sa sementeryo.

First time ni Erap na dumalaw sa libigan ng kanyang kaibigan, dahil nakakulong siya nang pumanaw noong December 2004 ang kinikilalang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Saksi kami sa pagpunta ni Erap sa huling gabi ng burol ni FPJ sa Sto. Domingo Church. Nang dumating si Erap, lalong naging emosyonal ang mga tao sa loob ng simbahan.

Hanggang ngayon, nasa amin pa rin ang kopya ng tribute speech ni Erap para sa kanyang matalik na kaibigan.

Ang pagbisita sa puntod ni FPJ ang isa sa mga agenda ni Erap mula nang tanggapin nito ang presidential pardon ni President Arroyo. Back to normal ang takbo ng buhay ni Erap na sinusundan pa rin ng media, kahit saan siya magpunta.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com

Source: Abante