|
|
| Nadia malaki ang inggit kay GretchenColumn: Eksenadora Nawiwindang ang mga taong sumusubaybay sa alitan nina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro. Biglaan kasi ang kanilang away at kung anu-ano nang bombang sumasabog tungkol sa isa't isa. Heto nga't imbes na magkaayos sila'y nakasama pa umano ang muli nilang paghaharap sa Rembrandt Hotel kailan lang dahil ayon sa balita ay nagtaasan pa raw ang mga boses ng dalawang kontrobersyal na personalidad at nagbatuhan pa ng baso. Ayon pa sa chika, naroon sa meeting na 'yun si Former Caloocan City Mayor Boy Asistio. Ang butihing Mayor umano ang unang kinumpronta ni Gretchen at tinanong kung bakit kinailangan pang umabot sa ganito ang lahat? Na nakarating sa kanya (La Greta) ang mga sinabi ni Nadia thru Rufa Mae Quinto na tungkol sa umano'y hindi nito pagtulong sa paggawa ng paraan para hindi ma-sheriff ang bahay nila. Ilang beses na inulit ni Gretchen ang punto niyang apat na taon niyang ipina-on hold ang pagpapa-sheriff umano ng bahay at properties nina Nadia at Mayor Boy dahil mahal niya ang kaibigan. Hiyang-hiya raw si mayor Boy kay Gretchen at nangakong gagawin ang lahat para magkaayos ang dalawa. Apparently, hindi ito nangyari. Dahil si Nadia pa nga raw ang may ganang magalit sa nangyari sa kanila ni Gretchen. Buhhkeet? Well, maaring may mga pagkakamali rin si Gretchen, as we know habulin talaga ang sikat na aktres ng kontrobersya. Sabi nga niya, hindi na niya kailangan pang maghanap ng kontrobersya for her dahil abot hanggang leeg niya ang mga isyu sa kanya. Pero sa puntong ito masasabing wala kay Nadia ang simpatya ng tao. Komento pa ng ilang usisero, hindi sapat umanong dahilan na kunwari ay na matagal na niyang pinagpapasensiyahan Gretchen pero ngayon lang siya bumigay? Well, ganu'n pala. E, di dapat noon pa? Hindi kaya may bahid ng inggit ang puno't dulo nito? Just asking. * * * Impressed kami kay Nina Dolino. Smart ang girl na ito at hindi naman kami nagtataka, kasama siya before sa Wazz Up, Wazz Up at sa iba pang mga talk shows ay nagi-guest din siya. Matapos ang kontrobersyal niyang pagkaka-link noon kay Archie Alemania, umusad na ngayon ang dalaga at bahagi na siya ng Kool chx ng Star Magic. Cover ang grupo nila sa Maxim Mag this coming March at super sexy ang dating nilang lahat sa pictorials nila, huh. Sing and dance ang ginagawa ng grupo nina Nina at nakakatuwa silang panoorin. They're not just pretty faces, 'ika nga. May talent silang ipapakita at may katawang desirable. Kasama ni Nina sina Michelle Murenec, Gemma Fitzgerald, Princess Ryan, Malaya Lewandowski at Cass Ponti. Naku, tinanong namin si Nina kung hanggang saan ang kaya niyang gawing pagpapaseksi? "Ay, plunging lang po muna. Hindi ko pa kaya 'yung sobrang daring. Plunging, saka okay din 'yung swimsuit pero hindi masyadong sexy or what talaga na parang skimpy ang dating. " Ganoon? Super sexy na ang lagay na 'yan, huh? Abangan ang Koolchx sa Maxim Magazine this coming March. Sizzling hot sila. * * * Aminado si Kristine Hermosa na kinabahan siya nu'ng malaman niyang nagbigay ng komento si Dina Bonnevie tungkol sa kanila ni Oyo Sotto. Sa presscon ng My Big Love (na ipapalabas sa Febuary 27) sinabi ng aktres naiintindihan umano nito ang damdamin ng ina ng kaibigan. Game naman si Tintin sa pagsagot tungkol sa mga kantanungan about love. Inamin ng aktres na ang first big love niya ay si Jericho Rosales. Pero ang one great love niya talaga ay si Diether Ocampo. Kahit bali-baligtarin si Tintin, sinasabi ng aktres na magkaibiagn lang sila ni Oyo pero aminado siyang pinagsisilbihan siya ng binata. As in, pinagda-drive pa siya sa shooting. Ganoon talaga ang friendship, lahat ay handa mong gawin para sa kaibigan. Keber mang maging driver ka pa. Ang sweet. Source: Taliba |