Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nadine: May mga bago riyan, ngayon lang sumulpot, bida agad!

Nadine: May mga bago riyan, ngayon lang sumulpot, bida agad!

Author: Nitz Miralles

Nasagot ang pagtataka ng mga reporter sa mabilis na pagkawala ni Nadine Samonte sa presscon ng Darna pagkatapos i-present ang buong cast.

Disappointed pala ito sa role niya sa series na isa sa makakalaban ni Darna (Marian Rivera).

Okey daw sa kanya ang kontrabida gaya nina Ehra Madrigal, Iwa Moto, Maggie Wilson at Francine Prieto, pero sana, mas mabigat ang role na ibinigay sa kanya.

Nagtataka si Nadine dahil nakapagbida na raw siya, pero feeling niya, sa halip na paabante'y, paatras ang takbo ng kanyang career at napag-iiwanan siya pati ng mga baguhan.

Curious kami kung sino sa mga bagong talent ng GMA-7 ang tinukoy na Nadine na "mga bago riyan, ngayon lang sumulpot, biglang bida agad. "

Nakarating na sa mga bossing ng network ang hinaing ni Nadine at sana, sa halip na i-memo, bigyan ng lunas ang hinaing nito.

Nabanggit din ng actress sa interview ni Archie de Calma na ginawan ng paraan ang reklamo niya, kaya sa second o third week ng series, tutok sa kanya ang istorya ng Darna.

* * *

Kung 'di nabago ang venue, sa SMX ng Mall of Asia, 3-5 p. m. , gagawin ang Grand Fans' Day Assembly ni Marian Rivera.

Sabay nito ang launching ng Darna Kiddie Club at ongoing din ang Darna Liit contest sa Sis, na ang mananalo'y isasama sa serye.

Bukas sa SOP ang grand launching ng Darna sa pangunguna ni Marian.

Aabangan namin kung darating si Nadine sa grand promo after maglabas ng hinaing.

Ang Kamikazee ang kakanta ng theme song na Narda na bagay sa istorya ng bidang si Narda/Darna.

Ayaw pa-pressure ni Marian sa rating ng pilot ng Darna sa Monday at kung anong show ng ABS-CBN ang itatapat. Pagbubutihin na lang daw niya ang trabaho para matuwa ang viewers na naghintay sa muling paglipad ni Darna.

* * *

One of the best album ni Claire dela Fuente ang Timeless, Songs of My Life ng Viva Records dahil sa magagandang songs, kabilang ang carrier single na Bakit Ngayon Ka Lang na duet nila ni David Soul.

Kasama rin sa album ang interpretation ni Claire ng number one hit ni David Soul na Don't Give Up On Us featuring David Parks. Para sa pumanaw niyang mister na si Boy de Guzman ang kantang Ikaw, narito rin ang All Is Fair In Love, You and I na mula sa pelikulang Goodbye Mr. Chips, Kumusta Ka at marami pang iba.

Hindi lang sa album magkakasama sina Claire at David Soul dahil may concert silang gagawin sa PICC at hindi rin ang actor-singer ang last international singer na makaka-collaborate ni Claire dahil balita namin, may duet sila ni Michael Bolton in her next album. Sumunod si Bolton kina Richard Carpenter at David Soul na makaka-duet ni Claire.

* * *

Mamimigay ng awards sa selebrasyon ng fifth anniversary ng Bitoy's Funniest Video hosted ni Michael V, this Saturday. Tinawag itong Yari Ka! Awards at ang mga category ay Best Celebrity Victim, Best Acting in Reacting, Best Performance by an Actor na Nayari, Best Pasahero ng Taxi, Guni �"Guni Award, Best Yari Ka Kasabwat at Yari Ka International.

May Special Yari Ka Prank sa J4K host Daiana Meneses dahil bibiktimahin din siya ni Bitoy. Presentors sa different categories ang ilan sa famous character na ginawa ni Bitoy sa Yari Ka! Segment. Present din sina Itoy, Bitong at Bebang.

* * *

Ang special tribute kay Michael Jackson ang featured movie this Saturday sa 5Max Movies ng TV5. Ang Michael Jackson Unmasked ay para sa mga nabiting fans ng King of Pop.

Bukas Sunday, mapapanood naman ang blockbuster na Aeon Flux starring Charlize Theron at ang nasabing pelikula ang muling nagpauso sa maiksing bob cut sa mga babae.

Napapanood ang 5MAX Movies, Monday to Sunday, 9pm sa TV5. Kumuha rin ng daily update ng inyong favorite TV5 blockbuster thru' your celfone. Subscribe to MY TV Interactive by texting 5MAX ON to 2256 for only P2. 50 per text.

* * *

Pito na lang ang sa contenders ng Are You The Next Big Star? at bago matapos ang show, anim na lang sila dahil isa kina Alex Castro at Greggy Santos ang matsutsugi dahil sila ang nasa bottom group.

Safe na sina Jay Perillo at Geoff Taylor at isa na lang ang kailangan. Kompleto na ang female contenders at maghaharap sa finale sina Camille Cortez, Zyrene Pasad at Frencheska Farr.

Sa Big Star Diaries, tampok ang mga pinagdaanan ni Ogie Alcasid bago niya narating ang tagumpay na meron siya ngayon.

* * *

Mapapanood sa Q Channel 11 bukas, 9:10pm ang Farrah Story, a documentary on Farrah Fawcett's battle against cancer. Idea ng actress na i-document ang pakikipaglaban niya sa sakit sa personal camcorder niya, siya rin ang narrator at kinuwento ang pagsi-seek niya ng treatment sa USA at sa Germany.

Ang docu ay nagko-chronicle sa two-and-a-half years na battle ni Farrah sa cancer. Co-produced ito ni Alana Stewart at lumabas sa docu ang Charlie's Angels' co-star niyang sina Kate Jackson at Jaclyn Smith, ang anak na si Redmond O'Neal, at ang amang si Jim Fawcett.

Source: People's Tonight