|
|
| Nadine Samonte binigyan ng pampalubag-loob ng Kapuso![]() Author: Ed De Leon Malaki ang pasasalamat ni Megastar Sharon Cuneta at hindi na itutuloy ng asa-wang si Senador Kiko Pa-ngilinan sa pagtakbo nito bilang Pangalawang Pangulo ng bansa sa darating na eleksyon. Kung itutuloy kasi ng kanyang mister ang pagkandidato, tiyak na wala na ring panahon si Sharon na gumawa pa ng pelikula dahil si-guradong tutulong siya sa pangangampanya ni Sen. Kiko. Ang desisyong ito ng mis-ter ang dahilan kaya niya natanggap ang pelikulang Mano Po 6 ng Regal Films. Isipin ninyo, kung itutuloy ng asawa ang gagawing pagtakbo sa pagka-Panga-lawang Pangulo ng bansa, December ang film festival, kung kandidato si Sen. Kiko, kasagsagan na ito ng kampanya dahil ang pagdeklara ng kandidatura sa Comelec ay ngayong katapusan na ng Nobyembre. Anyway, matagal na rin namang walang entry sa MMFF si Sharon. Ang huli ay 'yong Crying Ladies na ini-release pa ng isang maliit na movie outfit. Ngayon, malaki ang kanyang advantage dahil isang major film company ang producer ng kanyang pelikula. Pero, may intriga kaming nasagap na bakit daw gumawa si Sharon ng pelikula sa isang major film company na kalaban ng kanyang former home studio. Palagay namin, walang dapat ikaintriga rito, kasi wala namang magandang project na iniaalok sa kanya ang dating home studio. Isa pa, nangako siya nang personal kay Mother Lily noon na anytime na kaila-nganin siya ng Regal bilang artista sa isang movie ay ta-tanggapin niya dahil sa ginawang pagtulong ng Regal matriarch noon sa pagtakbo bilang senador ng kanyang asawang si Sen. Kiko. * * * Si Nadine Samonte na talaga ang ipinalit kay Sunshine Dizon sa panghapong ser-ye ng Siyete na Tinik Sa Dibdib. Ikinatuwiran ng management ng Siyete na diumano ay may sakit si Sunshine at hindi na siya puwedeng magpuyat. Siyempre, hindi na nila sinabi na nagalit kasi ang kanyang direktor nang hindi siputin ni Sunshine ang taping ng soap hanggang sa ma-pack up ito. Pampalubag-loob na rin kay Nadine bilangkapalit ni Sunshine, na matatandaang nagreklamo na rin dahil hindi siya naging happy sa role na ibinigay sa kanya sa Dar-na. Okey ito kay Nadine, pero para kay Sunshine, hindi maganda sa kanyang career ang pangyayari . Bas-ta ang isang artista ay inalis sa trabaho, ibig sabihin ay may problema siya na da-pat niyang mai-correct agad. Or baka totoo ang tsikang buntis siya kaya napi-litang 'papagpahingahin' muna siya ng Kapuso. * * * Talagang ayaw tanta-nan ng isang showbiz gay ang isang sexy male star na noon pa niya pinapantas-ya. Hanggang ngayon daw ay sinusundan-sundan pa rin niya ito at pilit na inaalok ng kung anu-anong trabaho at karangyaan para lang pa-tulan siya. Pero wise din naman ang male star, na nagsasabing kung papatol siya, ang kapalit ay isang malaking financial support. Ang siste, hindi naman ito kayang ibi-gay ng naturang showbiz gay. Nalulungkot nga ang showbiz gay dahil alam niya na kung kani-kanino naki-kipag-date ang pinapantas-ya niyang male star. Hindi naman kasi niya ito afford, eh! Source: Taliba |