|
|
| Nadine Samonte returns to GMA-7 afternoon soap operaAuthor: Ruel Mendoza Ginanap kahapon, July 2, ang story conference ng ikatlong handog ng Sine Novela ng GMA-7, ang Kung Mahawi Man ang Ulap. Pagkatapos nina Valerie Concepcion (Sinasamba Kita) at Yasmien Kurdi (Pati Ba Pintig ng Puso?), ang susunod na magbibida sa Sine Novela ay si Nadine Samonte sa TV version ng Kung Mahawi Man ang Ulap na pinagbidahan nina Hilda Koronel at Christopher de Leon sa ilalim ng direksiyon ni Laurice Guillen for Viva Films.
Ang Kung Mahawi Man ang Ulap ang magsisilbing pagbabalik ni Nadine sa afternoon soap drama na minsan na rin niyang pinagreynahan. Kung matatandaan ay si Nadine ang kauna-unahang StarStruck graduate na nagbida sa isang soap opera via Ikaw Sa Puso Ko ng TAPE Inc., kung saan una silang nagtambal ng ex-boyfriend niyang si Oyo Sotto. Nasundan pa ito ng Lea: Ang Pinakamagandang Babae Sa Ilalim Ng Lupa at Now And Forever Presents Ganti. Lahat ng pinagbidahan ni Nadine na afternoon soap dramas ay naging consistent top-raters. Sa Kung Mahawi Man ang Ulap ay medyo magiging daring si Nadine dahil sasabak na siya sa ilang love scenes with Dennis. Pero handa na raw ang young actress na gawin ang mga ito dahil nasa tamang edad na siya.
Source: Philippine Entertainment Portal |