|
|
| Nadine ipinalit sa iniwang soap ni SunshineAuthor: Noel Asiñas KUMPIRMADONG papalitan ni Nadine Samonte si Sunshine Dizon sa afternoon soap na Tinik Sa Dibdib. Biglaan ang pag-goodbye ni Sunshine sa production people ng show dahil gusto raw nitong magbakasyon at napapagod na raw ang aktres. Maging ang Kapuso Network ay nagpalabas na rin ng opisyal na statement sa pagkawala ni Sunshine, which states: "GMA Network would like to inform the public that it has pulled out Ms. Sunshine Dizon from her current afternoon drama program, Sine-Novela presents Tinik sa Dibdib, due to health reasons. It was decided that Ms. Dizon's condition would make it impossible for her to perform as an actress. GMA Network advised Ms. Dizon to rest in order to fully recover. " May espekulasyon ka-sing lumalabas na kesyo buntis ang dalaga courtesy of non-showbiz guy kaya may plano rin siyang lumi-pad patungong Estados Unidos. Namataan nga ng source namin ang mother ni Sunshine na si Ms. Dorothy Laforteza last Tuesday afternoon na kausap ang prog-ram manager ng network. Marahil ay ang problema sa hindi pagre-report ng anak sa taping ng Tinik sa Dibdib ang pinag-uusapan nila. Diumano ay sa Pampanga naglalagi si Sunshine at nagpapahinga. Tinanong din namin ang isang malapit kay Shine tungkol sa buntis issue at nilinaw nitong hindi raw gagawin ni Shine ang ganoong bagay. Mahal daw ng dalaga ang career at may inaalagaang pangalan. Ang itinuturo niyang dahilan ay baka may sakit na naman ang aktres dahil ka-pag natetensiyon daw ito sa sobrang dami ng trabaho ay nagkakasakit. * * * ISA pang kumpirmadong papasok sa pulitika si Richard Gomez. Nakuha na kasi niya ang resulta ng dalawang survey sa Ormoc City at positive ang resulta. Super-dami daw ang mga nagsabing gusto nilang ma-ging congressman si Goma sa bayan ng misis niyang si Lucy Torres. Nasa 54% daw ang nakuha niyang survey na pa-yag sa kandidatura ni Goma. Sa ngayon ay tuloy muna ang paghu-host ni Richard ng second season ng Family Feud. Successful ang unang season ng Family Feud at tinitiyak niyang magiging mas matagumpay ang pagbabalik ng show dahil mas pinalawak nila ang audition ng contestants. Bukod sa magkakaroon ng regional audition sa key cities sa buong Pilipinas ay may advance VTR agad ang pamilyang magpa-participate bilang contestants. Mapapanood na ang bagong season ng Family Feud ngayong Lunes, October 19. * * * MASAYANG-MASAYA si Michael V nang humarap sa launching ng bagong ni-yang programang Bitoy's Showwwtime na mamimi-gay ng P300,000 sa mana-nalong contestants. Mag-uuwi naman ng P75,000 cash ang nag-iisang mananalong contestant. Mala-reality din ang dating ng bagong show ni Bitoy at open sa lahat pati foreigners basta may Pinoy blood. "Kahit nagri-rate ang Bitoy's Funniest Videos, binigyan pa rin namin ng daan ang Bitoy's Showwwtime dahil napapanahon ang programa. Ito ang hilig panoorin ng tao na nagtataglay ng ibang kakayahan ng tao. Magsisimula ito sa Oct. 17, after Celebrity Duets," say ni Bitoy. Source: Taliba |