Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nadine, maagang mabubuntis

Nadine, maagang mabubuntis

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

SABI-SABI na dala­wang taon na lang ang itatagal ni Nadine Samonte sa showbiz, at magku-quit na ito, para lumagay sa tahimik?

Sabi kasi, noon pa man ay pangarap na ni Nadine na mag-asawa ng maaga at magkaroon ng mga anak. Feel na feel na raw kasi ni Nadine na mag-alaga ng sari­ling baby?

“Naku, malayo pa `yon, `no! Hindi, ah!” gulat na gulat na sabi ni Nadine.

Inamin ni Nadine na seryoso siya sa relasyon ng kanyang boyfriend.

“Seryoso talaga ako, at hindi naman ako nakikipaglaro lang. Pero `yung magpakasal na agad nga­yon, hindi pa talaga.

“Siguro, ganun lang ang impression ng mga tao sa amin, na baka mapaaga ang pag-aasawa ko, dahil matagal na rin naman kami ng boyfriend ko.

Pero, wala pa talaga sa isip namin `yon!” giit pa rin ni Nadine.

Tatlong taon na nga nitong Agosto ang relasyon ni Nadine at ng kanyang non-showbiz boyfriend. At nagpapa­salamat si Nadine, dahil patuloy na nagiging matatag ang pagsasama nila.

Hindi nga raw katu­lad ng ibang relasyon ng mga taga-showbiz, na buwan lang inaabot. At nagpapasalamat din si Nadine dahil hindi masyadong naiintriga sa showbiz ang boyfriend niya.

“Hindi ko naman siya iniiwas sa showbiz. Kasi, bakit pa ako naki­pagrelasyon kung itatago ko rin lang?

“Kaya lang, kapag medyo may halong intriga na kasi ang usapan, umiiwas na talaga ako. Mas maganda kung huwag na lang siyang i­halo sa intriga.

“Unang-una, nakakahiya talaga sa pamil­ya niya, dahil hindi naman sila taga-showbiz,” say pa ni Nadine.

Well, may mga nag-aakusa rin na mukhang maagang mabubuntis si Nadine. Sabi nga, ang mga ganitong relasyon, na sobrang seryoso na, kadalasan ay sa buntisan agad nauuwi.

“Hindi naman! Sobra naman `yon.

“Para naman nilang sinasabi na nagpapaka-wild kami. May respeto naman ang boyfriend ko sa akin. Malaki ang respeto niya sa mommy ko, at alam niyang importante sa akin ang career ko.

“Alam niya na may mga plano ako para sa career ko. Para sa pa­milya ko.

“Sabi ko nga, gusto ko munang ilagay sa a­yos ang pamilya ko bago ako magpakasal o magka-baby.

“At saka, plano namin na magkaroon muna ng sariling bahay bago kami pumasok sa mga ganu'ng bagay.

Mag-iipon muna kami bago kami magpa­kasal at magka-baby!” pahayag ni Nadine.

Source: Abante