|
|
| Nadine makikipagbati na kay Angel!![]() Author: Rey Pumaloy PAYAG nang makipagbati si Nadine Samonte sa dating kaaway na si Angel Locsin. May kaugnayan ang break-up nina Angel at Oyo Sotto sa paglambot ng puso ni Nadine. Sa presscon ng Magic Kamison, sinabi ni Nadine na nakikisimpatiya siya sa sakit na naramdaman ni Angel nu�ng mag-break sila ni Oyo. "Nagulat ako nung malaman ko na nag-break sila. Nalungkot ako kasi matagal na sila, �di ba? Atsaka alam kong mahal nila ang isa�t isa, kaya nakakagulat. "Actually, matagal na akong willing na makipagbati kay Angel. Nakalimutan ko na �yung nangyari. "Kapag nagkita kami, baka �yun na �yung magandang chance para magkaayos kami. Bahala na kung sino ang unang babati sa aming dalawa. Puwedeng ako, o puwedeng si Angel, o sabay kami," sabi ni Nadine. Matatandaang naging magkasintahan sina Oyo at Nadine noon, pero nauwi rin sa wala ang relasyon nila. Naging ka-on ni Oyo si Angel kapagkuwan. Mula noon, parehong hindi pinansin ni Nadine sina Angel at Oyo. Sa ngayon, may boyfriend pa rin si Nadine, samantalang parehong loveless sina Oyo at Angel. "Sa nakikita ko kay Angel, kaya naman niya ang nangyari. Magdasal lang siya palagi," say ni Nadine. Ano naman ang mensahe ni Nadine kay Oyo? "Magpakabait lang siya lagi," say ni Nadine. *** Nagbago na talaga ang pananaw ni Vina Morales, dahil heto nga at sinabi niya na handa na siyang magpabuntis sa karelasyon niya ngayon. Pabirong sabi nga ni Vina, payag na siyang magka-baby, kahit hindi siya kasal. Anyway, ipinauubaya na lang ni Vina ang lahat sa Diyos, kung ano ang mas dapat na mangyari. Kung hindi siya magkaka-baby o mabubuntis, puwede naman daw siyang mag-ampon ng bata tulad nina Madonna at Angelina Jolie. Siyanga pala, may mga bulung-bulungan na diumano ay hindi pa hiwalay sa asawa ang bagong boyfriend ni Vina ngayon? Pero si Vina na mismo ang tumanggi na magsalita tungkol sa kanyang boyfriend. Sabi lang ni Vina, ang importante sa ngayon ay masaya siya sa kanyang lovelife. Hindi siya apektado sa mga tsismis. Unang-una, hindi naman daw makakatulong ang kanyang lovelife para mai-promote ang kanyang concert sa Araneta Coliseum, ang Vina Morales: Showgirl the Repeat. Source: Abante |