Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nadine not quitting showbiz

Author: Tempo
Column: Entertainment

CONTRARY sa earlier report na magku-quit na sa showbiz si Nadine Samonte, mariing pinabulaanan ito ng young actress. Ayon sa report, disappointed na diumano si Nadine sa kanyang showbiz career kaya pupunta na lang siya sa Germany at doon magtatrabaho.


"Totoong may balak akong magpunta sa Germany. 'Andun ang lola at daddy ko. Gusto kong mag-aral doon at magtrabaho bilang photographer. Pero hindi pa ngayon. Maybe after five years kung talagang wala na akong project," ani Nadine in a talk with Tempo sa presscon ng "SRO Cinemaserye: Suspetsa."

May 2-year contract pa siya sa GMA-7 at may option to renew for another three years. Ayon kay Nadine, hanggang may project pa siya, stay put muna siya sa Pilipinas. Nag-aaral siya ngayon ng German language sa Goethe Institute sa Makati. "Para 'pag nagpunta ako sa Germany, marunong na akong magsalita ng German," aniya. For a while, nag-aral din siya ng photography dahil ambisyon niyang maging full time photographer 'pag hindi na siya artista.

Itinanggi rin ni Nadine ang balitang babalik siya sa ABS-CBN dahil diumano, pinababayaan siya ng GMA. Aniya, paano siya babalik sa naturang network, eh, may existing contract pa siya sa GMA. Wala siyang balak bumalik sa Kapamil-ya Network dahil wala rin namang nangyari sa career niya noong 'andun pa siya. Besides, walang offer ang Dos, ayon kay Nadine.

Wish lang niya na bukod sa " SRO Cinemaserye: Suspetsa" ay mabigyan pa siya ng ibang project. Feel niyang makasama sa "Stairway to Heaven" na pagbibidahan ni Dingdong Dantes o di kaya'y sa "Narda" (binaligtad na Darna) ni Marian Rivera. Incidentally, in "SRO Cinemaserye," Nadine plays Abigail na mahina ang loob at may pagka-praning ang character. Kasama niya sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi na ka-batch niya sa 'Starstruck 1.'

Ka-batch din nila ang kontrobersiyal ngayon na si Katrina Halili na ayon kay Nadine, kung sa kanya nangyari 'yon, hindi niya kakayanin. "Hindi na siguro ako lalabas ng bahay. Bilib ako kay Katrina. Malakas ang loob niya at matapang sa pagharap sa isyu. I feel sad for her. Nakakaawa siya," said Nadine. (Rowena Agilada)

Source: Tempo