Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nadine, shocked sa sex show sa Amsterdam!

Nadine, shocked sa sex show sa Amsterdam!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

PITONG araw lang na naglagalag si Nadine Samonte sa Amsterdam. At anim na araw naman siyang namalagi sa Paris.

Kuwento ni Nadine, hinding-hindi raw niya makakalimutan ang naging karanasan niya sa Amsterdam. Nakapanood daw kasi siya roon ng sex show.

“Actually, hindi talaga namin intension manood ng ganu'n. Nadaanan lang namin na may pila doon sa isang lugar. So, nakipila rin kami.

“Naloka lang ako kasi sa entrance lahat binibigyan ng lollipop.?Shocked ako kasi 'yung lollipop korte ng...” pabiting sambit ni Nadine, na ang gusto palang sabihin ay korte ng ari ng lalaki.

“Ayaw ko ngang tanggapin, pero sabi sa akin nu'ng mga kasama ko, kunin ko raw kasi nakakahiya. Ibinibigay daw sa lahat ng mga pumapasok `yon.

“So, habang nanonood ako, hawak-hawak ko lang 'yung lollipop,” natatawang salaysay ni Nadine.

Na-shock din daw si Nadine sa mismong sex show. Sabi nga niya, grabe ang sex show sa Amsterdam.

Nakita rin ni Nadine ang mga babaeng nasa eskaparate na nag-aalok ng sex sa mga dumadaan.

Anyway, nu'ng una ay ayaw pang ikuwento ni Nadine ang mga naranasan niya sa Amsterdam. Pero, sinabihan namin siya na nasa hustong gulang na siya, at hindi na masama kung nakapanood siya ng mga ganu'n sa Amsterdam.

Sabi pa namin kay Nadine, baka pagtawanan lang siya ng mga tao na nakapunta na sa Amsterdam, kung sasabihin niya na hindi siya nakapanood ng sex show roon.

Anyway, hindi lang ang pagiging open sa sex ang nalaman ni Nadine sa Amsterdam. Nalaman din niya na legal din ang damo/marijuana o weeds doon.

Pero, bagama't na-shock talaga siya sa ibang mga nadiskubre sa Amsterdam, inamin niya na nabighani siya sa ganda ng lugar.

Sabi nga niya, gusto niyang tumira roon kapag may asawa na siya.

Siyanga pala, sa ngayon ay tutok na tutok si Nadine sa taping ng Tinik sa Dibdib, bilang bida na kapalit ni Sunshine Dizon.

Source: Abante